Posts

Showing posts from 2020

ilaw

Martes pagkatapos ng linggo ng Pasko Walang tutulad sa ilaw. Walang nais manirahan sa dilim.  Sa ilaw maraming kulay. Sa ilaw marami kang nakikita. Sa dilim, wala.  Kailangan natin malaman ang ilaw ng ating buhay.  Si Simeon, sabi, “Maaari na akongvkunin sapagkat nakita ko ang kaligtasan ng Israel.”  Nakita niya si Kristo, ang liiwanag.  Sa unang pagbasa, ayon kay San Juan, kung sino ang akala’y kilala niya si Kristo, ngunit hindi naman sumusunod sa kanya ay isang sinungaling.  Gawin ang buong buhay ay larawan ng kalooban ng Diyos. Ikatlo, kung sino kilala si Kristo ngunit namumuhi sa kanyang kapwa ay namumuhay sa dilim. Bantayan natin ang ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa.  Tanong: Ano ang itinuring kong liwanag ng aking buhay?

Salita ng Diyos, Salita ng Buhay - October 16, 2020

Image

Bibliarasal: Kamatayan at buhay, Sta. Teresa de Avila

Image

Kapistahan ni Sta. Teresita ng Batang si Hesus

Image

Kapistahan ni Sta. Teresita ng Batang si Hesus

Image

Ang kahulugan ng buhay natin

Image

Handa na ba tayong ialay ang lahat sa Diyos?

Image

Daan ni Maria tungo kay Hesus

Image

Kailan natin binuhat ang paghihirap ng ating kapwa?

Image

Kailan natin nilapit ang kapwa sa Diyos?

Image

Pakikisalo sa ministeryo ni Hesus

Image

Salita ng Diyos, Salita ng Buhay - August 7, 2020

Image

Ano ang binago sa iyo ng Panginoon?

Image

Ano ang pinararami natin sa buhay na ito?

Image

Nagwawagi ba ang Diyos sa ating buhay?

Image

Ano o sino ang kayamanan mo?

Image

Ang Pagliligtas ng Diyos

Image

Habag ang nais ng Panginoon

Image

Pagkalinga ng Diyos

Image

Mahigpit na paalala ng Diyos sa atin

Image

Paano namumunga ang iyong pananampalataya?

Image

Paano namumunga ang iyong pananampalataya?

Image

Saan ka sinusugo ng Diyos?

Image

Pusong tulad ng sa bata

Image

Buhay-pananampalataya: may nabago ba sa buhay natin?

Image

Paano natin patitibayin ang ating pananampalataya?

Image

Handa na ba tayong maging banal at ganap?

Image

Gaano ka nakaugnay kay Kristo?

Image

Paano nagiging katawan ni Kristo ang Simbahan

Image

Sino ang Diyos para sa atin

Image

Pag-ibig ay Iisa lang

Image

Mga larawan ng Espiritu Santo sa ating buhay

Image

San Jose Manggagawa_Bibliarasal

Image

Easter Monday3_mass

Image

Easter Monday3_Bibliarasal

Image

Bibliarasal Book Launch - Fr. Joselito Jopson

Image

Easter Sunday 3_Bibliarasal

Image

Feast of St. Mark

Image

Proclaimers of the Good News

Image
Feast of St. Mark Mark 16:15-20

Masayang pag-aalay

Image
Biyernes sa ikalawang linggo ng Muling Pagkabuhay Juan 6: 1 - 15 Ano ang masayang pag-aalay sa atin?

Maasahang Katiwala ng Diyos

Image
Huwebes sa ikalawang linggo ng Muling Pagkabuhay Juan 3: 31 - 36 Tanong: Paano tayo magiging maaasahang katiwala sa panahon ng Covid?

Iisa ang Pag-ibig natin

Image
Miyerkules sa Ikalawang Linggo ng Muling Pagkabuhay Juan 3: 16 - 21

Pagpapanibago kay Kristo

Image
Martes sa Ikalawang Linggo ng Muling Pagkabuhay Juan 3: 7b - 15

Pamumuhay sa Espiritu Santo

Image
Lunes sa Ikalawang Linggo ng Pagkabuhay Juan 3: 1 - 8

Saan nag-uumapaw ang Banal na Awa

Image
Ika-2 Linggo sa Panahon ng Muling Pagkabuhay ni Kristo Juan 20: 19 -31

Kailan nagiging Mabuting Balita ang ating buhay?

Image
Panoorin ang paliwanag para sa Sabado ng Muling Pagkabuhay ni Kristo

Gaano nakakabit ang buhay natin kay Kristo?

Image
Panoorin ang Bibliarasal para sa Huwebes ng Muling Pagkabuhay ni Kristo

Paano natin naipapamalas ang kapayapaan ni Kristo

Image
Bibliarasal: Huwebes ng Muling Pagkabuhay ni Kristo

Ang buhay bilang larawan ng Muling Pagkabuhay

Image
Tanong:  Paano natin maipapakita sa buhay natin ang muling pagkabuhay ni Kristo?

Salubong

Image
Tanong:  Paano tayo nagiging SANGPUSO ng Panginoon tulad ng Mahal na  Birheng Maria?

Lunes ng Muling Pagkabuhay ni Kristo

Image
Tanong: Paano tayo nagiging saksi ng muling pagkabuhay ni Hesus?

Sangpuso

Image
Salubong Lukas 11: 27 - 28 Naalala natin ang sigla ng mga Pilipino kapag nakikitang naghaharapan na ang mga imahen ng Mahal na Birhen at ang Muling Nabuhay na Kristo. Natutuwa tayo kapag ibinababa na yung munting anghel upang tanggalin ang taklob na belo sa mga mata ni Ina. Tapos ang kanyang mukhang malungkot at napalitan ng tuwa.  Ang kanyang Anak ay muling nabuhay! Bakit malapit sa atin ang mga larawang ito?  Marahil, nagugunita rin natin na kapag tayong mga anak ay nawalay sa ating mga nanay, pagbalik natin ay hindi maipinta ang ngiti ni Ina sa pagkakita sa atin.  Ang yakap natin kay Ina ay kasing-init ng pag-akap niya sa atin noong tayo'y mga sanggol pa. Ito palagay ko ang mensahe ng Salubong: pinakikita rito ang mahigpit ng pagkakaugnay ng nanay sa kanyang Anak, at ang Anak sa kanyang Ina sa isang pakikipag-ugnayang hindi na magmamaliw kailanman - ganap, ganap sa kalinisan at pag-ibig. Isipin din natin ang pagsalubong ni Hesus sa ating buhay, tayong nababalutan n

Pagbabago sa Diyos

Image
Ikalawang linggo ng Kuwaresma, Taon A Mateo 17: 1 - 9 Araw-araw nagbabago tayo, sa kabutihan o sa kasamaan.  Pagbabago ang tema ng Ebanghelyo, simula sa pagbabagong-anyo ni Hesus sa Bundok ng Tabor.  Pagbabago rin ang alok kay Abram sa pagsunod niya sa Diyos; ang kanyang buong lipi ay pagpapalain ng Diyos. Saan tayo maaaring magbago?  Ipagdasal natin na humantong tayo sa kaganapan ng ating pagkatao kay Kristo. Binanggit din sa ikalawang pagbasa ang Mabuting Balita.  Si Kristo rin ang Mabuting Balita.  Ang kanyang mensahe'y nakapagpapabago ng ating pagkatao.  Ikatlo, bigyang-tuon na natin ang pagiging Simbahan natin bilang tinipon ng Diyos.  Ito'y bayang banal.  Gaano ba tayo nagiging kawangis ni Kristo sa pagiging Simbahan natin?

Pagwagian ang tukso!

Image
Unang linggo ng Kuwaresma Mt. 4: 1 - 11 Mapagnilayan lamang natin ang diwa ng tukso, mapagwawagian na natin ito.  Ngunit ang mas mahalaga, dahil napagwagian na ito ni Kristo, siya rin ang ating takbuhan twing tayo'y natutukso.  Anu-ano ang mga tukso ng ating buhay na kailangan nating mapagwagian? Una, ang tukso ng pagkain at yaman Sinabi ni Hesus, “Hindi lamang sa tinapay nabubuhay an tao, kundi sa Salitang namumutawi sa bibig ng Diyos.”  Maaaring pagkain at kayamanan ang bumubuhay sa ating katawan, ngunit ang mga ito’y kasangkapan lamang sa tunay nating dapat tanggapin, ang Salita ng Diyos na nagbibigay-buhay sa ating isip, puso, at kaluluwa. Ikalawa, ang tukso ng kapangyarihan “Magpatihulog ka upang iligtas ka ng mga anghel,”  tukso ng diyablo.  Sagot ni Hesus, “Hindi mo ilalagay sa pagsubok ang Panginoong Diyos.” Oo, may kapangyarihan si Hesus bilang Anak ng Diyos, ngunit ito’y ginamit upang paglingkuran ang tao.  Wika ni Hesus, “Gayon din naman ang Anak ng Tao a

Buhay Kabanalan

Image
Ika-6 Linggo ng Karaniwang panahon Mk. 5: 38 - 48 Sa Ebanghelyo, pinalalalim ni Hesus ang bawat pagkakaintindi ng tao ukol sa pagsunod sa batas ng Diyos: “Narinig ninyong sinabi, ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong paghihigantihan ang masamang tao. Kung sinampal ka sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kaliwa.” Sa ating kapanahunan, kapag ang isang tao’y banal, tila siya’y kakaiba at hindi nakikiayon sa nakararami.  Katanggap-tanggap sa kultura natin na “tayo’y tao lamang”.  Dalawa ang bunga ng pananaw na ito:  una, maaaring maisip na hindi na maaaring maging banal ang tao; ikalawa, kung sakaling siya’y banal, tila likas siyang banal at nanggaling sa isang banal na pamilya.  Sa dalawang halimbawang ito, nawawala ang isa at pinakamahalagang sangkap ng buhay-kabanalan - ang Diyos ang pinagmulan at patutunguhan ng buhay - kabanalan.    Paano natin maisasabuhay ang tunay na kabanalan? Una, ang kabanala’y galing sa Diyos Ama Tayong

Buhay na pananampalataya

Image
Ika-5 Linggo ng karaniwang panahon MATEO 5:13-16 Kung matutupad lamang natin ang mga nakasaad sa mga pagbasa, walang maghihirap sa ating kapwa.  Ngunit bakit hindi natutupad ito?  Ang sanhi ay nasa kawalan ng kalidad ng pagsasabuhay ng ating pananampalataya. Saad ni Santiago, “Ang pananampalatayang walang gawa ay patay.”  (Santiago 2: 17)  Kung ang pananaw natin sa pananampalataya ay pagbabasbas lamang at hindi lumalabas sa apat na sulok ng simbahan, at kung tayo’y nananalangin ngunit wala naman tayong ginagawa, walang saysay ang pananampalataya natin. Sa ebanghelyo, hinanamon tayo ni Hesus na maging asin ng lupa at liwanag ng mundo.  Magagawa lamang natin ito kung tayo’y puspos ng Espiritu Santo, may matibay na pananampalataya na nakikita sa ating mga salita at gawa sa ikababago ng buhay natin at ng ating kapwa. Ang pananampalataya’y natututunan, isinasabuhay, at nakapagbubuo ng komunidad.  Iyan ang mensahe ng mga Obispo ng Pilipinas sa Taon ng mga Laiko noong 2014, “Calle

Tunay na karunungan

Image
Sabado sa ikaapat na linggo sa karaniwang panahon Mc 6: 30 - 34 Hindi maipinta ang habag sa puso ni Hesus para sa mga tao.  Kahit kailangan silang magpahinga, hindi niya maatim na hindi sila alagaan. Sa lumang tipan, si Solomon ay hinilingan ng Diyos kung ano ang nais nito.  Sa dinami-rami ng mga hihilingin, hindi kapangyarihan ni kayamanan ang hiningi, kundi karunungan. Ang karunungan ay isang biyayang nanggagalin sa Maykapal.  Ito'y ang kapasidad makita ang liwanag, ang tama, at ang makatuwiran.  Ang taong marunong ay maka-Diyos at makakapwa.  Ganito rin ang puso ni Hesus, puno ng habag sa mga taong minamahal ng Diyos. Hilingin natin, hindi ang kapangyarihan, ni kayamanan, kundi karunungan ng makalangit na bagay, upang masilayang ganap ang puso ng Diyos na tigib sa pag-ibig.

Magningning ang buhay

Image
Biyernes ng Ikaapat ng Linggo ng  karaniwang panahon Marcos 6: 30 - 34 Isinalaysay ng ebanghelyo ang pagkamatay ni Juan Bautista.  Kung sino pang pinugutan ng ulo, siyang pang nananatili sa ating alaala na tinanggap ang putong ng kaluwahatian ng Diyos; samantalang hi Herodes, kahihiyan ang napala, at tulad ng mga napapahiya dahil sa kasalanan, tila ay ipakita ang kanilang ulo. Sa unang pagbasa, isinalaysay ang mga kahanga-hangang ginawa ni Dabid at kung paano siyang pinagpala ng Diyos; kahit na siya'y nagkasala, pinatawad ng Diyos ang kanyang mga kasalanan. Ipagdasal natin ang ang buhay nati'y magningning tulad kina Juan Bautista't Haring Dabid at hindi sa kahihiyang tulad ni Herodes.  Ito ang ating mga gabay: Una, magpakumbaba - ang buhay nati'y isang salamin ng presensya ng Diyos at hindi atin.   Magpakumbaba tayo upang ang Diyos ang mamutawi sa atin. Ikalawa, maging tapat sa Diyos - huwag magpapatalo sa kasalanan at makasalang gawi sapagkat ang Diyos a

Magpakumbaba

Image
Miyerkules sa ika-4 linggo ng karaniwang panahon Marcos 6: 1 - 6 Kahit pawang maganda lahat ang binubunyag ni Kristo bilang Mesiyas, sarado pa rin ang puso ng ibang mga Israelita sa kanyang pagdating.  Sinabi na lamang ni Hesus na hindi tanggap ang propeta sa kanyang sariling bayan.  Nagpatuloy na lamang siya sa ibang lugar. Sadyang ganito ang estado ng kasalanan, nagsasara ang pakikipag-ugnayan natin sa Diyos; nagdidilim ang ang puso't isipan laban sa ating kapwa.  Ngunit humingi tayo ng tawad sa kanya.  Huwag tayong magmalaki sapagkat hindi tayo Diyos.  Patuloy tayong magpakumbaba sa kanya't magmahal sa ating kapwa. May matutunan nawa tayo sa karanasan ni Dabid.  Lugmok na sa lupa ang kanyang estado sa kanyang kapakumbabaan.  Alam niya ang kasalanang kanyang ginawa.  Malapit na siyang parusahan ng anghel.  Ngunit pinigil ito ng Diyos dahil nahabag siya kay Dabid.  Inamin pa rin niya ang kanyang pagkakasala.  Sabi niya, nararapat lamang na siya'y parusahan. It

Manalig!

Image
Martes sa ika-4 linggo ng karaniwang panahon Marcos 5: 21 - 43 Malaki ang nagagawa ng isang buhay na pananampalataya.  Kahit di mapatunayan ng siyensya, kung ang mirakulo'y uukol ito'y tinadhana ng Diyos.  Ang babaeng dinurugo'y matagal nang nagdurusa, sabi'y "Kahit mahawakan ko lamang ang laylayan ng kanyang damit, ako ay gagaling." Ito'y pananampalataya. Sa kahuli-huliha'y binuhay ni Kristo ang patay na dalaga.  Magkaroon tayo ng tunay at matibay na pananampalataya kay Kristo. Si Dabid ay nagbabayad ng kanyang pagkakautang sa Diyos.  Ang pinakahuli'y kahit nag-aklas ang kanyang anak na si Absalom laban sa kanya, hindi niya ito ginantihan.  At ngayo'y pinatay si Absalom.  Abot-abot sa hukay ang kanyang pagtangis. Ang pagpapakumbaba'y kondisyon ng tunay na panananalig sa Diyos.  Kahit nangyari ito sa buhay ni Dabid, sa paghingi niya ng tawad sa Panginoon, nagpakumbaba siya, hindi siya lumaban sa kanyang anak, at tinangi

Tunay na panalangin

Image
Martes sa ikalimang linggo ng karaniwang panahon, taon 2 Mark 7:1-13 Tinuligsa ni Hesus ang mga paratang ng mga pariseo na hindi siya sumusunod sa batas.  Ngunit ang totoo'y ang mga pariseo ang tumalikod sa Diyos na buhay sa pagsunod nila sa kanilang ginawang tradisyon.  Ang mga utos ay hindi diyos, kundi ang Diyos ang may-ari ng kanyang mga utos.  Mas tangkilikin natin ang Diyos na buhay sa pakinig natin sa ating mga puso kung ito'y katulad ng kanyang pag-ibig. Sa unang pagbasa, si Solomo'y nanalangin nang taimtim sa Diyos.  Ito ang tunay na panalangin, ang tangkilikin ang Diyos na tumutupad ng mga panalangin, hindi ang panalingin natin.  Bandang huli, ang tunay na panalangi'y tulad ng ating mga hinihingi, kundi kung ano ang maibibigay natin - ang sarili nating pagsunod sa kanyang kalooban.

Kabutihan

Image
Lunes sa ikaapat na Linggo Marcos 5: 1 - 20 Sadyang maingay ang demonyo sa pakikipag-usap kay Kristo.  Nagbubunyag siya hindi dahil sa nais niyang sambahin ang Diyos kundi dahil sa nais niyang sirain si Hesus sa harap ng mga tao.  Pero pinalayas ni Hesus ang demonyo.  Siya pa rin ang makapangyarihan laban sa kasamaan. Sa unang pagbasa, alam ni Dabid ang kanyang pagkakasala laban sa Diyos.  Ang pag-aaklas ng kanyang anak na si Absalom, sa kanyang pagbabasa, ang tanda ng pagparusa ng Diyos sa kanya.  Patuloy ang kanyang pagpapakumbaba at paghingi ng tawad sa Panginoon. Hindi paraan ng kasamaan ang ipagpatuloy natin kundi ang pamamaraan ng Panginoon.  Ito ang tunay na kapangyarihan, ang paggamit nito para sa kabutihan at pagsugpo ng kasamaan.  Hangarin natin ang kabutihan, hindi kasamaan. Ikalawa, gantihan ng kabutihan.  Sa kabila ng kalapastanganan ng anak ni Dabid, ayaw niya itong parusahan.  ayaw niya dahil mahal niya ito.  Ang kasalanan ang hindi ginagantihan ng kasalanan

Paano maging asin at ilaw

Image
Ika-5 linggo sa karaniwang panahon, A Mateo 5:13-16 Mangyayari lamang na tayo'y magiging asin at ilaw batay sa pagtataya nating isabuhay ang pananampalataya. Saad ni Santiago, "Ang pananampalatayang walang gawa ay patay."  Kung ang pananaw natin sa pananampalataya ay pagbabasbas lamang ng Diyos na wala naman tayong ginagawa, walang saysay ang pananampalataya. Ang pananampalataya'y natutunan, isinasabuhay, at nakapagbubuo ng komunidad.  Iyan ang mensahe ng mga Obispo sa Taon ng mga Laiko, "Called to be saints; sent forth as heroes". Ang ibig sabihin ng pananampalatayang natutunan ay hanapin ang kaugnayan nito sa konkretong buhay, simula sa 10 utos ng Diyos. "Isabuhay ang pananampalataya" ay nangangahulugang may kinalaman ito sa kaliit-liitang desisyon at galaw sa ating buhay. "Magtatag ng mga komunidad ng mga mananampalataya" ay nangangahulugang magbuo tayo ng mga komunidad na pareho ang orientasyon, mithiin at pananaw sa pan

Piliin ang Liwanag!

Image
Paghahandog kay Hesus Luke 2:22-40 Sinaad ng Catechism of the Catholic Church ukol sa Paghahandog kay Hesus sa templo (CCC 529): 1. Siya ang unang inianak ng Diyos - Siya ang dakila, natatangi, at kaisa-isang alay ng Ama sa atin.  Pagnilayan natin ang alay ng ating buhay sa Diyos at sa kapwa, ang ating sarili bilang handog.  Masaya ba ang ating pag-aalay? 2. Si Hesus bilang ilaw - mas malinaw ang ilaw kung ihahambing sa dilim.  Lahat ng kanilang mga kahuluga't kahalagahan ay lumalabas.  Mas madaling piliin kung ang isang bagay o tao na tinuturing nating mahalaga'y ilaw kung ikukumpara sa liwanag ng Diyos mismo.  Ang ilaw ng Diyos lamang ang magtatagal kailanman. 3. Tanda ng pagkakasalungat - a sign of contradiction; lalo na na sinasalungat sa pananaw ng mundo, ng kaligtasan at tunay na buhay.  Piliin natin si Hesus, hindi ang kamunduhan. Ang kaligtasa'y sasaating lahat! Pagnilayan ng Komunidad:  Kailan tayong nagsilbing liwanag sa mga tao ng liwanag ni Kris

Patibayin ang pananampalataya

Image
Sabado ng ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon Marcos 4: 35 - 41 Mahigpit na inuutos ni Hesus sa mga apostol na manampalataya, kahit may unos sa kanilang harapan.  Ang pananampalataya ay sa kanya lamang bilang Anak ng Diyos. Si Dabid ay nahulog sa kasalanan.  Dapat siyang parusahan.  Ngunit nagsisi si Dabid at humingi ng tawad sa Diyos.  Nahabag ang Diyos kay Dabid.  Ngunit pinagpatuloy ang kamatayan ng kanilang anak ni Betsabe sa pagkakasala. Mahirap man ang unos sa ating buhay, ngunit kung unos ang magsasanhi sa atin upang makita natin ang Diyos, akapin natin ito.  Ang bunga ay pananalig kay Kristo, hindi sa daigdig na ito.