Patibayin ang pananampalataya


Sabado ng ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon

Marcos 4: 35 - 41


Mahigpit na inuutos ni Hesus sa mga apostol na manampalataya, kahit may unos sa kanilang harapan.  Ang pananampalataya ay sa kanya lamang bilang Anak ng Diyos.

Si Dabid ay nahulog sa kasalanan.  Dapat siyang parusahan.  Ngunit nagsisi si Dabid at humingi ng tawad sa Diyos.  Nahabag ang Diyos kay Dabid.  Ngunit pinagpatuloy ang kamatayan ng kanilang anak ni Betsabe sa pagkakasala.

Mahirap man ang unos sa ating buhay, ngunit kung unos ang magsasanhi sa atin upang makita natin ang Diyos, akapin natin ito.  Ang bunga ay pananalig kay Kristo, hindi sa daigdig na ito.

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba