Posts

Showing posts from April, 2021

Si Hesus bilang Tagapagligtas

Image
Huwebes sa ika-3 linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo:  John 6:44-51 Si Felipe ay nagturo ukol kay Hesus sa isang Eunuko.  Dahil dito'y nagpabinyag and eunuko sa ngalan ni Hesus.  Ano'ng ibig sabihin ng pagkakatanggap kay Hesus? May naririnig tayo, "Tinatanggap mo ba si Hesus bilang iyong 'personal Lord and Savior'?"  Para sa isang tumatanggap nito, ano ang implikasyon nito sa kanyang buhay? Sa ating mga Katoliko, hindi man tayo mulat noong tayo'y nabininyagan, ngunit nang tayo'y kinumpilan, tinanggap natin si Hesus bilang ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng ating personal na pangako.  Ano ang ibig sabihin nito sa atin? Magbibigay-linaw ang ebanghelyo sa pagkakatanggap natin kay Hesus: Una, siya ang daan patungo sa Ama.   Sinaad sa ebanghelyo ni Juan, "Tuturuan sila ng Diyos... walang makapupunta sa akin kung hindi ito dinala sa akin ng Ama."  Mahigpit ang kaugnayang ito na ang daan sa Diyos ay sa pamamagitan ni Kristo.  Kung noo

Tinapay ng Buhay

Image
Larawan ni Adelaida Alfonso Miyerkules sa ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: John 6:35-40 Ang panahon ni Esteban at panahon natin ay magkatulad - parehong nasa panahon ng pag-uusig.  Sa kanyang kapanahunan, pinapatay ang mga Kristiyano.  Sa panahon natin, nagbabadya ang sakit at kamatayan ang covid-19.   Bagamat may pag-uusig, patuloy pa rin ang pangangalat ng Mabuting Balita't paggawa ng mga mirakulo. Tila si Kristo'y kapiling pa rin.  Sa ebanghelyo, inaanyayahan tayo ni ni Hesus na ituon ang pansin sa kanya bilang "Tinapay ng buhay".  Paano kaya ang tinapay ng buhay ay nakapagbibigay ng tunay na buhay at hindi na tayo magugutom ni mauuhaw? Una, hindi kaya kataka-taka kung bakit sa lahat ng imahe para sa pagka-Diyos ni Hesus, maari namang kabayo o tabak ang ginamit niya, o korona.  Pero tinapay ang ginamit niyong imahe.  Tinapay ang imahe ng ating pangangailangan upang mabuhay tayo araw-araw. Kailangan natin ng Diyos araw-araw.  Hinuhubog ni Kr

Totoo nga kayang matigas ang ating ulo?

Image
Martes sa ika-3 linggo ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo:  Juan 6:30-35 Matigas raw ang ulo ng Judyo ayon kay San Esteben dahil nilalabanan nila ang Espiritu Santo. Gayun din sa panahon ni Hesus sa mga humihingi ng mga pruweba sa kanya.  E tayo kaya, matigas ba ulo natin? Si Socrates, nagbansag ng isang kataga nang sinabi niya, "Habang mas nalalaman ko ang mga bagay-bagay, mas lalong wala akong alam."  Tila maganda itong gabay sa atin upang hindi tumigas ang ating ulo.  Matigas ang ulo natin kaya hindi natin nauunawaan ang tunay na kapangyarihan ng Diyos.  Kung kilala natin siya, disin sana'y mas nananalig na tayo sa kanya.  Tila wala tayong panahon sa kanya.  Mas marami tayong panahon sa mga bagay na kinahuhumalingan natin. Kung kilala natin ang Diyos, mas marami na tayong nalalaman sa kanya.  Di tayong mag-aatubiling maglingkod sa kanya.  At lubos ang ating kasiyahan sa pag-alay ng ating buhay sa kanya.  Tulad ng nasa Ebanghelyo, si Hesus ang Tinapay ng buhay, lahat sana