Tinapay ng Buhay


Larawan ni Adelaida Alfonso

Miyerkules sa ikatlong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ebanghelyo: John 6:35-40

Ang panahon ni Esteban at panahon natin ay magkatulad - parehong nasa panahon ng pag-uusig.  Sa kanyang kapanahunan, pinapatay ang mga Kristiyano.  Sa panahon natin, nagbabadya ang sakit at kamatayan ang covid-19.  

Bagamat may pag-uusig, patuloy pa rin ang pangangalat ng Mabuting Balita't paggawa ng mga mirakulo. Tila si Kristo'y kapiling pa rin. 

Sa ebanghelyo, inaanyayahan tayo ni ni Hesus na ituon ang pansin sa kanya bilang "Tinapay ng buhay".  Paano kaya ang tinapay ng buhay ay nakapagbibigay ng tunay na buhay at hindi na tayo magugutom ni mauuhaw?

Una, hindi kaya kataka-taka kung bakit sa lahat ng imahe para sa pagka-Diyos ni Hesus, maari namang kabayo o tabak ang ginamit niya, o korona.  Pero tinapay ang ginamit niyong imahe.  Tinapay ang imahe ng ating pangangailangan upang mabuhay tayo araw-araw.

Kailangan natin ng Diyos araw-araw.  Hinuhubog ni Kristo ang ating pagkatao araw-araw.  Kumapit tayo sa Kanya.  Kahit anong pandemya'y magwawagi pa rin tayo. 

At ikalawa, binibigyan tayo ni Kristo ng buhay hanggang sa buhay na walang hanggan.  Kadikit ang buhay natin ngayon sa buhay na walang hanggan at sa kaligtasan ng Diyos.  Buhay na hindi mamamatay ang ibibigay sa atin ng Diyos.

Ang "community pantry" ay larawan ng pagpaparami ng tinapay. Kung hindi mabuti ang kalooban ng tao, walang "pantry".  Marahil, hinubog ang puso ng mga nag-alay ni Kristo.  Ito ang buhay na alok ng Diyos, nagbibigay ng buhay sa iba.

Kumuha ng Bibliarasal ngayon!


Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba