Saturday, April 27, 2019

Habag: lawaran ng Muling Pagkabuhay

Ikalawang Linggo ng Muling Pagkabuhay

John 20:19-31

Ngayong ikalawang Linggo ng Muling Pagkabuhay ni Kristo; tinatawag din itong “Divine Mercy Sunday”.

Hinihikayat tayong maranasan at iparanas sa iba ang habag bilang Muling Pagkabuhay ni Kristo.  Paano natin masisilayan ang habag ng Diyos?

Una, sa buhay ng Kristiyanong komunidad - pagmamahalan, pagbabahaginan, at kawanggawa;

https://gnfingertips.com
Ikalawa, kay Kristo mismo - ang konkretong larawan ng habag ng Ama;

Ikatlo, sa gawaing pangkapayapaan.

Isabuhay ang habag ng Diyos!


Magkaroon ng kopya ng Bibliarasal, Taon C - available sa Parokya ng ICC sa Pasig sas (02) 64361-97 o sa St. Paul Bookstores

Saturday, April 13, 2019

Osana!


Linggo ng Palaspas

Luke 19:28-40, Luke 22:14-23:56

May dalawang mukha ang ating pagdiriwang ngayong Linggo ng Palaspas ngunit iisa lamang ang sinasabi.

Ang una'y ang pagsigaw ng mga tao ng "Osana sa Anak ni Dabid!" Ang kahulugan ng Osana'y "Nagliligtas ang Diyos!"  Sinabi ni Jesus na hindi mapipigilan ang sigaw na ito, na kahit bato'y makikisama sa pagsigaw.

Ngunit ang ikalawa'y ang pagsigaw ng "Ipako siya sa krus!" tanda ng pagtatwa kay Hesus.

Dalawang magkaibang sigaw ngunit isa lamang ang sinasabi - ang lahat ng ito'y pagganap sa kalooban ng Diyos.  Di mapipigilan ang pagsigaw ng "Osana!" dahil mismong ang Espiritu'y nag-uudyok sa lahat, kahit mga bato, na gawin ang nais ng Panginoon, ang siya'y purihin at sambahan.

Sa ebanghelyo, natakluban ng lahat ng karahasan ng tao ang nag-uumapaw na pag-ibig ni Kristo at ang hindi mapipigilang pagganap niya ng ikasisiya ng kanyang Ama - ang ikaliligtas ng lahat ng mga nagkasalang mga anak ng Diyos.  Humihiyaw ba ang ating puso sa pagpupuri sa Diyos?

Una, sa pananalangin

Ang lahat ng ating panalangin, personal at pangkalahatan, ay tanda ng ating pag-ibig at pitagan sa Diyos. Tulad ng Eukaristiya na naroon ang tunay ng presenya ng Diyos, maging buhay tayo sa pagharap sa ating Panginoon.

Ikalawa, sa pakikipag-ugnayan sa Diyos

Sabi ni Sta. Teresa de Avila, "Hindi mapapahinga ang aking puso hanggat hindi ito mapapahinga sa iyo." Gaano kabuhay sa atin ang pananalitang ito?  Di ba naririnig din natin sa mga magsing-ibig, "Kung wala ka sa aking piling, ako'y mamamatay."  Kung wala ang Diyos sa ating piling, änong buhay mayroon tayo?

Ikatlo, sa pagsunod sa kalooban ng Diyos

Si San Pablo'y nagpahayag din ng ganitong sentimyento, "Kawawa ako kung hindi ko maipapatutupad ang kanyang kalooban!" Ang pagganap sa kalooban ng Ama ang siyang pinakakahulugan ng ating buhay!

Ang lahat ng mga ito'y humihiyaw sa ating kalooban, at hindi tayo mapapahinga hanggang sa matagpuan natin ang ating minimithi - ang makapiling ang Panginoon magpakailanman!

Available na po ang ating Bibliarasal Taon C!  Tumawag sa ICC Pasig ngayon sa 6436797.

Thursday, March 6, 2014

Ikalawang linggo ng Kwaresma, A

Nakikita mo ba ang Diyos?

 Matt. 17, 1 - 9


Nakikita ba natin ang mukha ng Diyos, ang kanyang karingalan at kabutihan?
   Nakalulungkot mang isipin, ngunit marami tayong mga pagkakataon na sana’y napaglingkuran natin ang Diyos, ngunit inuna natin ang pagliligtas sa ating buhay.  Inuna rin natin ang ating karangyaan at kaginhawaan.
   Ngunit sadyang may kabayaran ang ating kapabayaan.  Habang ubos ang ating oras sa pagliligtas sa ating sarili, nagiging salat naman tayo sa presensya ng Diyos.  Hindi makita sa ating kapaligiran ang karingalan ng Diyos bagkus ay hirap, kasakiman at pag-aapi.
   Sa pagninilay natin sa pagbabagong anyo ng Panginoon, nawa’y pahalagahan natin ang paglilingkod sa kanya sa ating pang-araw-araw na buhay.  Kahit na animo’y mga normal na pangyayari lamang, paanyaya sa atin na hanapin ang tunay na kapangyarihan ni

Unang linggo ng Kwaresma, A

Puksain ang tukso

Matt. 4, 1 - 11


Kung paano napagwagian ni Kristo ang kanyang mga pagsubok, tinatawag din tayo na pagwagian din natin ang mga tukso ng buhay natin.  Hindi lamang dahil si Kristo ay Diyos kaya napagwagian niya ito.  Tulad natin, nagugutom din siya.  Ngunit anong tanging lakas ang maaari nating tuluran kay Kristo upang mapagwagian din natin ang mga pagsubok ng ating buhay?
   Una, ang Diyos ang kanyang pagkain.  Ang kanyang salita ang nagbibigay-buhay.  Kung lahat ng tao’y taglay ang Salita ng Diyos, magkakaroon ng pagkain ang lahat ng tao.
   Ikalawa, ang Diyos tanging pinaglilikuran ni Kristo; ang Ama ang kanyang lakas.  Kung ang lakas ng tao ay Diyos at wala nang iba, ang kanyang pananampalataya’y magiging gawang namumunga ng kabutihan.
   Ikatlo, ang Diyos lamang ang kanyang tanging yaman.  Kung lahat ng mga tao ay yuyuko at paglilingkuran ang Diyos, magiging mga mabubuting tagapamahala tayo ng kalikasang nilikha niya para sa ikabubuhay ng lahat.

Friday, February 28, 2014

Ika-8 linggo ng Karaniwang Panahon, A

Huwag mag-alala

Matt. 6, 24 - 34


“Pagsumikapan ninyo ng higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay ng ayon sa kanyang kalooban at ipagkaloob Niya lahat ng kailangan ninyo.”

Hinihimok tayo ng Panginoong Hesus na huwag tayong masyadong mag-alala. Kung tayo lamang ay manalig sa Kanya, lahat ay ibibigay Niya.  Kaya kailangang maging ganap ang ating pananampalataya sa Kanya.  Siya ang Diyos na lumikha sa atin.  Manalig tayong tutulungan niya tayo upang magkaroon ng buhay.  Sabi Niya, “Masdan ninyo  ang mga ibon, hindi sila naghahasik ni nag-aani… pinakakain sila ng Amang nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?”

   Ang masyadong pag-alala ay hindi nakakatulong sa atin. Ito’y nakapagpapahina ng loob at tayo’y nagkakasakit.  Nakapaghihina din ito ng pananampalataya at nawawala tayo ng pokus sa pagsunod natin sa kalooban ng Diyos.  Bilang Kristiyano tinawag ang bawat isa ng Diyos Ama sa kani-kanyang pangalan. Paano natin di pagkatiwalaan ang pagmamahal Niya sa atin bilang Ama?”

   Kung tayo lamang ay nakatuon sa Kanyang kalooban wala tayong alalahanin, lahat ay kaya nating harapin. (Fr. Maico Rescate)

Saturday, February 8, 2014

Ika-5 linggo sa karaniwang panahon, A

Ilaw at asin

Mateo 5:13-16


Kung magagawa lamang natin ang mga nakasaad sa mga pagbasa, walang maghihirap sa ating kapaligiran.  Ngunit bakit hindi natutupad ito?  Ang suliranin ay nasa kalidad ng ating pananampalataya.

Saad ni Santiago, "Ang pananampalatayang walang gawa ay patay."  Kung ang pananaw natin sa pananampalataya ay pagbabasbas lamang ng Diyos na wala naman tayong ginagawa, walang saysay ang pananampalataya.

Ang pananampalataya'y natutunan, isinasabuhay, at nakapagbubuo ng komunidad.  Iyan ang mensahe ng mga Obispo sa Taon ng mga Laiko, "Called to be saints; sent forth as heroes".

Ang ibig sabihin ng pananampalatayang natutunan ay hanapin ang kaugnayan nito sa konkretong buhay, simula sa 10 utos ng Diyos.

"Isabuhay ang pananampalataya" ay nangangahulugang may kinalaman ito sa kaliit-liitang desisyon at galaw sa ating buhay.

"Magtatag ng mga komunidad ng mga mananampalataya" ay nangangahulugang magbuo tayo ng mga komunidad na pareho ang orientasyon, mithiin at pananaw sa pananampalataya - mga taong may pagtangi sa pagbabasa ng biblia, isinasabuhay ang mga sakramento, at nagtataya ng buhay tungo sa pagbabago ng buong mundo.  Sila ang mga bayani at santo.  Sa kanila makikita ang mismong mukha ni Kristo.

Saturday, April 27, 2013

ika-5 linggo ng panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, C

Huwaran sa Pagmamahal

Para sa ika-28 ng Abril, 

Gospel: Jn. 13, 31 - 33. 34 - 35

“This is what I do. And I do it with my heart. I do this with my heart because it is my duty, as a priest and bishop I must be at your service. But it is a duty that comes from my heart and a duty I love. I love doing it because this is what the Lord has taught me.”
   Ito ang bahagi ng homilia ni Pope Francis sa Misa ng Huling Hapunan bago niya hinugasan ang mga paa ng mga batang bilanggo at may kasama pa na isang babaing Muslim. Tunay lamang na ang ating bagong Santo Papa ay nagsasabuhay ng ayon sa bilin ng ating Panginoong Hesus sa Ebanghelyo na magmahalan gaya ng kanyang pagmamahal.
   Ito rin ay hamon sa atin na magmahal ng gaya ng pagmamahal ng Panginoong Hesus at hindi lamang ayon sa ating pansariling kagustuhan o batayan lamang.  (Fr.   Alex Pelayo)