Posts

Showing posts from April, 2019

Habag: lawaran ng Muling Pagkabuhay

Image
Ikalawang Linggo ng Muling Pagkabuhay John 20:19-31 Ngayong ikalawang Linggo ng Muling Pagkabuhay ni Kristo; tinatawag din itong “Divine Mercy Sunday”. Hinihikayat tayong maranasan at iparanas sa iba ang habag bilang Muling Pagkabuhay ni Kristo.  Paano natin masisilayan ang habag ng Diyos? Una, sa buhay ng Kristiyanong komunidad - pagmamahalan, pagbabahaginan, at kawanggawa; https://gnfingertips.com Ikalawa, kay Kristo mismo - ang konkretong larawan ng habag ng Ama; Ikatlo, sa gawaing pangkapayapaan. Isabuhay ang habag ng Diyos! Magkaroon ng kopya ng Bibliarasal, Taon C - available sa Parokya ng ICC sa Pasig sas (02) 64361-97 o sa St. Paul Bookstores

Osana!

Image
Linggo ng Palaspas Luke 19:28-40, Luke 22:14-23:56 May dalawang mukha ang ating pagdiriwang ngayong Linggo ng Palaspas ngunit iisa lamang ang sinasabi. Ang una'y ang pagsigaw ng mga tao ng "Osana sa Anak ni Dabid!" Ang kahulugan ng Osana'y "Nagliligtas ang Diyos!"  Sinabi ni Jesus na hindi mapipigilan ang sigaw na ito, na kahit bato'y makikisama sa pagsigaw. Ngunit ang ikalawa'y ang pagsigaw ng "Ipako siya sa krus!" tanda ng pagtatwa kay Hesus. Dalawang magkaibang sigaw ngunit isa lamang ang sinasabi - ang lahat ng ito'y pagganap sa kalooban ng Diyos.  Di mapipigilan ang pagsigaw ng "Osana!" dahil mismong ang Espiritu'y nag-uudyok sa lahat, kahit mga bato, na gawin ang nais ng Panginoon, ang siya'y purihin at sambahan. Sa ebanghelyo, natakluban ng lahat ng karahasan ng tao ang nag-uumapaw na pag-ibig ni Kristo at ang hindi mapipigilang pagganap niya ng ikasisiya ng kanyang Ama - ang ikaliligtas ng lahat ng