Posts

Showing posts from January, 2020

Kabutihan

Image
Lunes sa ikaapat na Linggo Marcos 5: 1 - 20 Sadyang maingay ang demonyo sa pakikipag-usap kay Kristo.  Nagbubunyag siya hindi dahil sa nais niyang sambahin ang Diyos kundi dahil sa nais niyang sirain si Hesus sa harap ng mga tao.  Pero pinalayas ni Hesus ang demonyo.  Siya pa rin ang makapangyarihan laban sa kasamaan. Sa unang pagbasa, alam ni Dabid ang kanyang pagkakasala laban sa Diyos.  Ang pag-aaklas ng kanyang anak na si Absalom, sa kanyang pagbabasa, ang tanda ng pagparusa ng Diyos sa kanya.  Patuloy ang kanyang pagpapakumbaba at paghingi ng tawad sa Panginoon. Hindi paraan ng kasamaan ang ipagpatuloy natin kundi ang pamamaraan ng Panginoon.  Ito ang tunay na kapangyarihan, ang paggamit nito para sa kabutihan at pagsugpo ng kasamaan.  Hangarin natin ang kabutihan, hindi kasamaan. Ikalawa, gantihan ng kabutihan.  Sa kabila ng kalapastanganan ng anak ni Dabid, ayaw niya itong parusahan.  ayaw niya dahil mahal niya ito.  Ang kasalanan ang hindi ginagantihan ng kasalanan

Paano maging asin at ilaw

Image
Ika-5 linggo sa karaniwang panahon, A Mateo 5:13-16 Mangyayari lamang na tayo'y magiging asin at ilaw batay sa pagtataya nating isabuhay ang pananampalataya. Saad ni Santiago, "Ang pananampalatayang walang gawa ay patay."  Kung ang pananaw natin sa pananampalataya ay pagbabasbas lamang ng Diyos na wala naman tayong ginagawa, walang saysay ang pananampalataya. Ang pananampalataya'y natutunan, isinasabuhay, at nakapagbubuo ng komunidad.  Iyan ang mensahe ng mga Obispo sa Taon ng mga Laiko, "Called to be saints; sent forth as heroes". Ang ibig sabihin ng pananampalatayang natutunan ay hanapin ang kaugnayan nito sa konkretong buhay, simula sa 10 utos ng Diyos. "Isabuhay ang pananampalataya" ay nangangahulugang may kinalaman ito sa kaliit-liitang desisyon at galaw sa ating buhay. "Magtatag ng mga komunidad ng mga mananampalataya" ay nangangahulugang magbuo tayo ng mga komunidad na pareho ang orientasyon, mithiin at pananaw sa pan

Piliin ang Liwanag!

Image
Paghahandog kay Hesus Luke 2:22-40 Sinaad ng Catechism of the Catholic Church ukol sa Paghahandog kay Hesus sa templo (CCC 529): 1. Siya ang unang inianak ng Diyos - Siya ang dakila, natatangi, at kaisa-isang alay ng Ama sa atin.  Pagnilayan natin ang alay ng ating buhay sa Diyos at sa kapwa, ang ating sarili bilang handog.  Masaya ba ang ating pag-aalay? 2. Si Hesus bilang ilaw - mas malinaw ang ilaw kung ihahambing sa dilim.  Lahat ng kanilang mga kahuluga't kahalagahan ay lumalabas.  Mas madaling piliin kung ang isang bagay o tao na tinuturing nating mahalaga'y ilaw kung ikukumpara sa liwanag ng Diyos mismo.  Ang ilaw ng Diyos lamang ang magtatagal kailanman. 3. Tanda ng pagkakasalungat - a sign of contradiction; lalo na na sinasalungat sa pananaw ng mundo, ng kaligtasan at tunay na buhay.  Piliin natin si Hesus, hindi ang kamunduhan. Ang kaligtasa'y sasaating lahat! Pagnilayan ng Komunidad:  Kailan tayong nagsilbing liwanag sa mga tao ng liwanag ni Kris

Patibayin ang pananampalataya

Image
Sabado ng ika-3 Linggo sa Karaniwang Panahon Marcos 4: 35 - 41 Mahigpit na inuutos ni Hesus sa mga apostol na manampalataya, kahit may unos sa kanilang harapan.  Ang pananampalataya ay sa kanya lamang bilang Anak ng Diyos. Si Dabid ay nahulog sa kasalanan.  Dapat siyang parusahan.  Ngunit nagsisi si Dabid at humingi ng tawad sa Diyos.  Nahabag ang Diyos kay Dabid.  Ngunit pinagpatuloy ang kamatayan ng kanilang anak ni Betsabe sa pagkakasala. Mahirap man ang unos sa ating buhay, ngunit kung unos ang magsasanhi sa atin upang makita natin ang Diyos, akapin natin ito.  Ang bunga ay pananalig kay Kristo, hindi sa daigdig na ito.