Piliin ang Liwanag!

Paghahandog kay Hesus
Luke 2:22-40
Sinaad ng Catechism of the Catholic Church ukol sa Paghahandog kay Hesus sa templo (CCC 529):
1. Siya ang unang inianak ng Diyos - Siya ang dakila, natatangi, at kaisa-isang alay ng Ama sa atin. Pagnilayan natin ang alay ng ating buhay sa Diyos at sa kapwa, ang ating sarili bilang handog. Masaya ba ang ating pag-aalay?
2. Si Hesus bilang ilaw - mas malinaw ang ilaw kung ihahambing sa dilim. Lahat ng kanilang mga kahuluga't kahalagahan ay lumalabas. Mas madaling piliin kung ang isang bagay o tao na tinuturing nating mahalaga'y ilaw kung ikukumpara sa liwanag ng Diyos mismo. Ang ilaw ng Diyos lamang ang magtatagal kailanman.
3. Tanda ng pagkakasalungat - a sign of contradiction; lalo na na sinasalungat sa pananaw ng mundo, ng kaligtasan at tunay na buhay. Piliin natin si Hesus, hindi ang kamunduhan.
Ang kaligtasa'y sasaating lahat!
Pagnilayan ng Komunidad: Kailan tayong nagsilbing liwanag sa mga tao ng liwanag ni Kristo?
Comments
Post a Comment