Dakilang kapistahan ng pag-akyat ni Maria sa langit
Ika – 15 ng Agosto, Dakilang Kapistahan ng pag-akyat ni Maria sa Langit, sanggayong C, Pagbasa: Lukas 1: 39 - 56
Ang turo ng Simbahan ukol sa pag-akyat ni Maria sa langit, katawan at kaluluwa ay isang ring pagbibigay ng mensahe ukol sa dakilang gampanin ng ating mahal na si Maria na inaakay tayong kanyang mga anak tungo sa Diyos Ama.
Ito ang pinakadahilan kung bakit ang buong Simbahan ay nagdiriwang. Ito ang saysay ng ating buhay – ang maglakbay tungo sa Diyos – at si Maria ang nagpakita ng tamang daan sa pamamagitan ng kanyang buong sarili.
Kaya habang tayo’y naglalakbay dito lupa, nawa’y ang buong buhay nati’y tulad ng awit ni Maria, ang Magnificat, “Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon!” Una, nawa’y matutunan natin na ang bawat araw ay itinadhana upang makalapit tayo sa Panginoon at siya’y makilala. Ikalawa, ihanay natin ang lahat ng ating pinakaabalahan at gawin natin itong mga instrumento patungo sa Kanya. Ito’y ang ating pinakaabalahan sa gawain at sa pamilya – maging daan nawa sila sa Diyos at hindi hadlang. Ikatlo, bantayan ang paghubog ng puso at pagtalas ng ating paningin – na ang bawat pangyayari’y hakbang upang makita natin ang mukha ng Diyos. Maria, gabayan niyo kami!

Comments
Post a Comment