Ika-5 Linggo ng karaniwang panahon MATEO 5:13-16 Kung matutupad lamang natin ang mga nakasaad sa mga pagbasa, walang maghihirap sa ating kapwa. Ngunit bakit hindi natutupad ito? Ang sanhi ay nasa kawalan ng kalidad ng pagsasabuhay ng ating pananampalataya. Saad ni Santiago, “Ang pananampalatayang walang gawa ay patay.” (Santiago 2: 17) Kung ang pananaw natin sa pananampalataya ay pagbabasbas lamang at hindi lumalabas sa apat na sulok ng simbahan, at kung tayo’y nananalangin ngunit wala naman tayong ginagawa, walang saysay ang pananampalataya natin. Sa ebanghelyo, hinanamon tayo ni Hesus na maging asin ng lupa at liwanag ng mundo. Magagawa lamang natin ito kung tayo’y puspos ng Espiritu Santo, may matibay na pananampalataya na nakikita sa ating mga salita at gawa sa ikababago ng buhay natin at ng ating kapwa. Ang pananampalataya’y natututunan, isinasabuhay, at nakapagbubuo ng komunidad. Iyan ang mensahe ng mga Obispo ng Pilipinas sa Taon ng...
Ika – 15 ng Agosto, Dakilang Kapistahan ng pag-akyat ni Maria sa Langit, sanggayong C, Pagbasa: Lukas 1: 39 - 56 Ang turo ng Simbahan ukol sa pag-akyat ni Maria sa langit, katawan at kaluluwa ay isang ring pagbibigay ng mensahe ukol sa dakilang gampanin ng ating mahal na si Maria na inaakay tayong kanyang mga anak tungo sa Diyos Ama. Ito ang pinakadahilan kung bakit ang buong Simbahan ay nagdiriwang. Ito ang saysay ng ating buhay – ang maglakbay tungo sa Diyos – at si Maria ang nagpakita ng tamang daan sa pamamagitan ng kanyang buong sarili. Kaya habang tayo’y naglalakbay dito lupa, nawa’y ang buong buhay nati’y tulad ng awit ni Maria, ang Magnificat, “Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon!” Una, nawa’y matutunan natin na ang bawat araw ay itinadhana upang makalapit tayo sa Panginoon at siya’y makilala. Ikalawa, ihanay natin ang lahat ng ating pinakaabalahan at gawin natin itong mga instrumento patungo sa Kanya. Ito’y ang ating pinakaabalahan sa gawain at sa pamilya – ma...
Ika-29 linggo ng karaniwang panahon, 17 Okt. 2010, sanggayong C, LUKE 18:1-8 Huwag tayong tumigil sa panalangin. Minsan, alam natin na pinapakinggan ng Diyos ang mga panalangin natin. Ngunit kadalasan, naiisip din natin na tila natutulog Siya at hindi sinasagot ang mga dasal natin. Nakikinig ba talaga ang Diyos sa atin? Bakit kaya matapos nating ipagdasal ang mga minamahal natin na gumaling, wala pa ring nangyayaring mirakulo; na sana makapasa tayo sa board exam natin ngunit bagsak pa rin. Iminumungkahi ni Hesus na tayo’y magdasal gaya ng pagdarasal ng babaeng balo na hindi tumigil sa kanyang pagnanais na makamit ang katarungan dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa. Ibinigay ng hukom ang katarungang hinihingi dahil sa pagpupumilit nito. Alam ng Diyos kung ano ang nararapat at mabuti para sa atin. Kaya minsan “ OO” ang tugon Niya sa ating panalangin, minsan naman ay “ Hindi” o hindi pa ngayon. Ang mahalaga lamang ay nananatili ...
Comments
Post a Comment