Maging mapagkumbaba

Ika -22 ng linggo ng karaniwang panahon, sanggayong C, ebanghelyo: Luke 14:1,7-14
Larawan ay sa kagandahang loob ng canonglenn

Nakakapabibigay ang Panginoon ng mga salitang kabalintunaan na may matitinding mensahe ukol sa ating buhay.  Halimbawa, sinabi ng Panginoon, "Kung sino man ang magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit kung sino ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito."  Ang ikalawa'y nasa ebanghelyo natin ngayon, "Ang nagpapakataas ay ibaba, samantalang ang mga nagpapakababa ay itataas."

Bakit gumagawa ang Panginoon ng ganitong mga pangungusap?  Ang sagot ay sapagkat tunay ang mga ito.  Mas mainam ang puso ng isang mapagpakumbaba kaysa sa isang mapagmalaki.

Sa isang mapagpakumbaba, ang Diyos ang kanyang itinataas.  Katulad ni Pablo nang kanyang sinabi, "Hindi ako ang namumuhay sa akin kundi ang Diyos ang namumuhay sa akin."

Sa isang mapagpakumbaba, ang pinahahalagahan niya ay ang kanyang kapwa, hindi ang kanyang sarili.  Nag-uudyok itong paglingkuran ang kapwa.

Sa isang mapagpakumbaba, ang pagtupad sa kalooban ng Diyos ang kanyang tinatangi.  Inilalaan nito ang kanyang oras, talento, at kayamanan sa gawain ng Diyos at hindi sa kanya.

Tama ang Panginoon, sa mapagkumbaba, maraming tao ang nabubuhay, ngunit sa isang mapagmataas, siya lamang ang napaglilingkuran.  Hindi tatagal ang kanyang buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Buhay na pananampalataya

Dakilang kapistahan ng pag-akyat ni Maria sa langit

Manalangin lagi, huwag manghinawa