Para kanino ang yaman?

Ika – 8 ng Agosto, Ika-19 Linggo ng karaniwang Panahon, sanggayong C, Pagbasa: Lukas 12: 32 - 48


Sa ebanghelyo, mariing sinabi ni Hesus, “Ipagbili ninyo ang inyong mga tinatangkilik at magbahagi kayo sa mga kahabag-habag. Gumawa kayo ng mga kalupi na hindi naluluma. Maglagak kayo sa makalangit na kayamanang hindi nauubos.” (Lk. 12: 34)

Ang tunay na kayamanan ay isang buhay na nakatalaga sa Panginoon.  Ang mga kayamanang materyal ay ginagamit upang matupad ang spiritual na kayamanan.  Ang mga kayamanan ay hindi atin upang angkinin kundi upang pamahalain.  “Love people; use money,” hindi kabaligtaran.  Gamitin natin ang yaman upang maganap natin ang pangunahing tungkuling mahalin, sambahin, at paglingkuran ang Diyos.

Kung nakatuon tayo sa pagiging bukaspalad at hindi ganid o makasarili, paglilingkod at hindi pang-aabuso, pagbibigay at hindi pangtanggap lamang – lahat ng tao’y mapaglilingkuran at mabubuhay dito sa lupa hanggang sa langit.  (Fr. Lito Jopson)

Comments

Popular posts from this blog

Buhay na pananampalataya

Dakilang kapistahan ng pag-akyat ni Maria sa langit

Manalangin lagi, huwag manghinawa