Kabutihan


Lunes sa ikaapat na Linggo


Marcos 5: 1 - 20


Sadyang maingay ang demonyo sa pakikipag-usap kay Kristo.  Nagbubunyag siya hindi dahil sa nais niyang sambahin ang Diyos kundi dahil sa nais niyang sirain si Hesus sa harap ng mga tao.  Pero pinalayas ni Hesus ang demonyo.  Siya pa rin ang makapangyarihan laban sa kasamaan.

Sa unang pagbasa, alam ni Dabid ang kanyang pagkakasala laban sa Diyos.  Ang pag-aaklas ng kanyang anak na si Absalom, sa kanyang pagbabasa, ang tanda ng pagparusa ng Diyos sa kanya.  Patuloy ang kanyang pagpapakumbaba at paghingi ng tawad sa Panginoon.

Hindi paraan ng kasamaan ang ipagpatuloy natin kundi ang pamamaraan ng Panginoon.  Ito ang tunay na kapangyarihan, ang paggamit nito para sa kabutihan at pagsugpo ng kasamaan.  Hangarin natin ang kabutihan, hindi kasamaan.

Ikalawa, gantihan ng kabutihan.  Sa kabila ng kalapastanganan ng anak ni Dabid, ayaw niya itong parusahan.  ayaw niya dahil mahal niya ito.  Ang kasalanan ang hindi ginagantihan ng kasalanan, kundi ng kabutihan.

Panatilihin natin ang ating katapatan sa Diyos.

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba