Si Hesus bilang Tagapagligtas


Huwebes sa ika-3 linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Ebanghelyo: John 6:44-51

Si Felipe ay nagturo ukol kay Hesus sa isang Eunuko.  Dahil dito'y nagpabinyag and eunuko sa ngalan ni Hesus.  Ano'ng ibig sabihin ng pagkakatanggap kay Hesus?

May naririnig tayo, "Tinatanggap mo ba si Hesus bilang iyong 'personal Lord and Savior'?"  Para sa isang tumatanggap nito, ano ang implikasyon nito sa kanyang buhay?

Sa ating mga Katoliko, hindi man tayo mulat noong tayo'y nabininyagan, ngunit nang tayo'y kinumpilan, tinanggap natin si Hesus bilang ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng ating personal na pangako.  Ano ang ibig sabihin nito sa atin?

Magbibigay-linaw ang ebanghelyo sa pagkakatanggap natin kay Hesus:

Una, siya ang daan patungo sa Ama.  Sinaad sa ebanghelyo ni Juan, "Tuturuan sila ng Diyos... walang makapupunta sa akin kung hindi ito dinala sa akin ng Ama."  Mahigpit ang kaugnayang ito na ang daan sa Diyos ay sa pamamagitan ni Kristo.  Kung noo'y waring malayong makilala ang Diyos, dito'y masisilayan natin siya sa pamamagitan ni Kristo.

Ikalawa, ang manalig kay Hesus ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Pagnilayan natin ang mensahe muli ng Tinapay ng buhay. Hindi lamang ito buhay sa kabilang buhay kundi ngayon din sa daigdig natin.  Ang manalig sa Panginoon ay mananatiling ligtas nang naaayon sa kanyang kalooban.

Ito ang ibig sabihin ng pagtanggap kay Hesus - bilang daan sa Ama at bilang buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba