Totoo nga kayang matigas ang ating ulo?


Martes sa ika-3 linggo ng Muling Pagkabuhay

Ebanghelyo: Juan 6:30-35

Matigas raw ang ulo ng Judyo ayon kay San Esteben dahil nilalabanan nila ang Espiritu Santo. Gayun din sa panahon ni Hesus sa mga humihingi ng mga pruweba sa kanya.  E tayo kaya, matigas ba ulo natin?

Si Socrates, nagbansag ng isang kataga nang sinabi niya, "Habang mas nalalaman ko ang mga bagay-bagay, mas lalong wala akong alam."  Tila maganda itong gabay sa atin upang hindi tumigas ang ating ulo. 

Matigas ang ulo natin kaya hindi natin nauunawaan ang tunay na kapangyarihan ng Diyos.  Kung kilala natin siya, disin sana'y mas nananalig na tayo sa kanya.  Tila wala tayong panahon sa kanya.  Mas marami tayong panahon sa mga bagay na kinahuhumalingan natin.

Kung kilala natin ang Diyos, mas marami na tayong nalalaman sa kanya.  Di tayong mag-aatubiling maglingkod sa kanya.  At lubos ang ating kasiyahan sa pag-alay ng ating buhay sa kanya.  Tulad ng nasa Ebanghelyo, si Hesus ang Tinapay ng buhay, lahat sana ng buhay nati'y siya ang hantungan.  Sana'y parati natin siyang kasama sa paglalakbay sa buhay.

Bibliarasal


Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba