ilaw

Martes pagkatapos ng linggo ng Pasko

Walang tutulad sa ilaw. Walang nais manirahan sa dilim. 

Sa ilaw maraming kulay. Sa ilaw marami kang nakikita. Sa dilim, wala. 

Kailangan natin malaman ang ilaw ng ating buhay.  Si Simeon, sabi, “Maaari na akongvkunin sapagkat nakita ko ang kaligtasan ng Israel.”  Nakita niya si Kristo, ang liiwanag. 

Sa unang pagbasa, ayon kay San Juan, kung sino ang akala’y kilala niya si Kristo, ngunit hindi naman sumusunod sa kanya ay isang sinungaling.  Gawin ang buong buhay ay larawan ng kalooban ng Diyos.

Ikatlo, kung sino kilala si Kristo ngunit namumuhi sa kanyang kapwa ay namumuhay sa dilim. Bantayan natin ang ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. 

Tanong: Ano ang itinuring kong liwanag ng aking buhay?


Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Maging mapagkumbaba

Buhay na pananampalataya