Manalig!
Martes sa ika-4 linggo ng karaniwang panahon
Marcos 5: 21 - 43
Ang babaeng dinurugo'y matagal nang nagdurusa, sabi'y "Kahit mahawakan ko lamang ang laylayan ng kanyang damit, ako ay gagaling." Ito'y pananampalataya.
Sa kahuli-huliha'y binuhay ni Kristo ang patay na dalaga. Magkaroon tayo ng tunay at matibay na pananampalataya kay Kristo.
Si Dabid ay nagbabayad ng kanyang pagkakautang sa Diyos. Ang pinakahuli'y kahit nag-aklas ang kanyang anak na si Absalom laban sa kanya, hindi niya ito ginantihan. At ngayo'y pinatay si Absalom. Abot-abot sa hukay ang kanyang pagtangis.
Ang pagpapakumbaba'y kondisyon ng tunay na panananalig sa Diyos. Kahit nangyari ito sa buhay ni Dabid, sa paghingi niya ng tawad sa Panginoon, nagpakumbaba siya, hindi siya lumaban sa kanyang anak, at tinangisan niya ang pagkamatay nito nang dahil sa pag-ibig.
Ano man ang pagsubok na dumapo sa ating buhay, manalig tayo sa Diyos; magpakumbaba, gantihan ng kabutihan ang kapwa, at magmahal kahit ano'ng mangyari.
Comments
Post a Comment