Tunay na karunungan


Sabado sa ikaapat na linggo sa karaniwang panahon


Mc 6: 30 - 34


Hindi maipinta ang habag sa puso ni Hesus para sa mga tao.  Kahit kailangan silang magpahinga, hindi niya maatim na hindi sila alagaan.

Sa lumang tipan, si Solomon ay hinilingan ng Diyos kung ano ang nais nito.  Sa dinami-rami ng mga hihilingin, hindi kapangyarihan ni kayamanan ang hiningi, kundi karunungan.

Ang karunungan ay isang biyayang nanggagalin sa Maykapal.  Ito'y ang kapasidad makita ang liwanag, ang tama, at ang makatuwiran.  Ang taong marunong ay maka-Diyos at makakapwa.  Ganito rin ang puso ni Hesus, puno ng habag sa mga taong minamahal ng Diyos.

Hilingin natin, hindi ang kapangyarihan, ni kayamanan, kundi karunungan ng makalangit na bagay, upang masilayang ganap ang puso ng Diyos na tigib sa pag-ibig.

Comments

Popular posts from this blog

Buhay na pananampalataya

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay Kabanalan