Tunay na panalangin
Martes sa ikalimang linggo ng karaniwang panahon, taon 2
Mark 7:1-13
Tinuligsa ni Hesus ang mga paratang ng mga pariseo na hindi siya sumusunod sa batas. Ngunit ang totoo'y ang mga pariseo ang tumalikod sa Diyos na buhay sa pagsunod nila sa kanilang ginawang tradisyon.
Ang mga utos ay hindi diyos, kundi ang Diyos ang may-ari ng kanyang mga utos. Mas tangkilikin natin ang Diyos na buhay sa pakinig natin sa ating mga puso kung ito'y katulad ng kanyang pag-ibig.
Sa unang pagbasa, si Solomo'y nanalangin nang taimtim sa Diyos. Ito ang tunay na panalangin, ang tangkilikin ang Diyos na tumutupad ng mga panalangin, hindi ang panalingin natin.
Bandang huli, ang tunay na panalangi'y tulad ng ating mga hinihingi, kundi kung ano ang maibibigay natin - ang sarili nating pagsunod sa kanyang kalooban.
Comments
Post a Comment