Magningning ang buhay
Biyernes ng Ikaapat ng Linggo ng karaniwang panahon
Marcos 6: 30 - 34
Isinalaysay ng ebanghelyo ang pagkamatay ni Juan Bautista. Kung sino pang pinugutan ng ulo, siyang pang nananatili sa ating alaala na tinanggap ang putong ng kaluwahatian ng Diyos; samantalang hi Herodes, kahihiyan ang napala, at tulad ng mga napapahiya dahil sa kasalanan, tila ay ipakita ang kanilang ulo.
Sa unang pagbasa, isinalaysay ang mga kahanga-hangang ginawa ni Dabid at kung paano siyang pinagpala ng Diyos; kahit na siya'y nagkasala, pinatawad ng Diyos ang kanyang mga kasalanan.
Ipagdasal natin ang ang buhay nati'y magningning tulad kina Juan Bautista't Haring Dabid at hindi sa kahihiyang tulad ni Herodes. Ito ang ating mga gabay:
Una, magpakumbaba - ang buhay nati'y isang salamin ng presensya ng Diyos at hindi atin. Magpakumbaba tayo upang ang Diyos ang mamutawi sa atin.
Ikalawa, maging tapat sa Diyos - huwag magpapatalo sa kasalanan at makasalang gawi sapagkat ang Diyos ang magtatagumpay, hindi ang kasalanan.
Ikatlo, maglingkod - ito ang diwa ng ating pagiging Kristiyano, ang maging tagasunod ni Kristo. Pagklingkuran siya at ang kapwa.
Comments
Post a Comment