Pagbabago sa Diyos

Ikalawang linggo ng Kuwaresma, Taon A

Mateo 17: 1 - 9

Araw-araw nagbabago tayo, sa kabutihan o sa kasamaan.  Pagbabago ang tema ng Ebanghelyo, simula sa pagbabagong-anyo ni Hesus sa Bundok ng Tabor.  Pagbabago rin ang alok kay Abram sa pagsunod niya sa Diyos; ang kanyang buong lipi ay pagpapalain ng Diyos.

Saan tayo maaaring magbago?  Ipagdasal natin na humantong tayo sa kaganapan ng ating pagkatao kay Kristo.

Binanggit din sa ikalawang pagbasa ang Mabuting Balita.  Si Kristo rin ang Mabuting Balita.  Ang kanyang mensahe'y nakapagpapabago ng ating pagkatao. 

Ikatlo, bigyang-tuon na natin ang pagiging Simbahan natin bilang tinipon ng Diyos.  Ito'y bayang banal.  Gaano ba tayo nagiging kawangis ni Kristo sa pagiging Simbahan natin?

Comments

Popular posts from this blog

Buhay na pananampalataya

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay Kabanalan