Magpakumbaba


Miyerkules sa ika-4 linggo ng karaniwang panahon


Marcos 6: 1 - 6


Kahit pawang maganda lahat ang binubunyag ni Kristo bilang Mesiyas, sarado pa rin ang puso ng ibang mga Israelita sa kanyang pagdating.  Sinabi na lamang ni Hesus na hindi tanggap ang propeta sa kanyang sariling bayan.  Nagpatuloy na lamang siya sa ibang lugar.

Sadyang ganito ang estado ng kasalanan, nagsasara ang pakikipag-ugnayan natin sa Diyos; nagdidilim ang ang puso't isipan laban sa ating kapwa.  Ngunit humingi tayo ng tawad sa kanya.  Huwag tayong magmalaki sapagkat hindi tayo Diyos.  Patuloy tayong magpakumbaba sa kanya't magmahal sa ating kapwa.

May matutunan nawa tayo sa karanasan ni Dabid.  Lugmok na sa lupa ang kanyang estado sa kanyang kapakumbabaan.  Alam niya ang kasalanang kanyang ginawa.  Malapit na siyang parusahan ng anghel.  Ngunit pinigil ito ng Diyos dahil nahabag siya kay Dabid.  Inamin pa rin niya ang kanyang pagkakasala.  Sabi niya, nararapat lamang na siya'y parusahan.

Ito ang mukha ng kapangyarihan ng Diyos - ang kanyang katarungan at habag ay iisa.  Mas pagtuunan natin ng pansin kung paano tayong magbabalikloob sa Diyos.  Hihilumin niya ang ating buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Buhay na pananampalataya

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay Kabanalan