Nasaan ang siyam?

Ika-28 linggo ng karaniwang panahon, 10 Oktubre, sanggayong C, LUKE 17:11-19
   “Nasaan ang siyam?”

   Ito ang tanong matapos pagalingin ni Hesus ang sampung ketongin.  Isa lamang ang bumalik upang magpasalamat sa kanya.  Hindi pa ito Hudyo kundi Samaritano.  Marahil, akala ng mga Hudyo na si Kristo’y kababayan nila at hindi na kailangang pasalamatan.

   Sa anumang kabutihang natanggap natin ay dapat lamang magpasalamat, lalo na sa Diyos na pinupunuan tayo ng mabubuting bagay. Kung bibilangin ang mga biyayang natanggap natin walang tayong ibang masasabi kundi pasasalamat sa Diyos at sa mga taong tumulong sa atin.

   “Maraming Salamat Panginoon.    Napa-kabuti Mo sa amin. Dagdagan Mo ang aming pagiging mapagkumbaba upang parati kaming nakatuon sa Iyo, nagpapasalamat sa mga biyayang Iyong walang sawang binibigay sa amin.  Kung kami man po ay hindi nakapagpasalamat, Kayo na po ang bahalang magpuno ng aming kakulangan upang huwag kaming matulad sa siyam na walang pagpapasalamat!” (Fr. Maico Rescate)

Comments

Popular posts from this blog

Buhay na pananampalataya

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay Kabanalan