Manalangin lagi, huwag manghinawa

Ika-29 linggo ng karaniwang panahon, 17 Okt. 2010, sanggayong C, LUKE 18:1-8

Huwag tayong tumigil sa panalangin. Minsan, alam natin na pinapakinggan ng Diyos ang mga panalangin natin.  Ngunit kadalasan, naiisip din natin na tila  natutulog Siya at hindi sinasagot ang mga dasal natin.
   Nakikinig ba talaga ang Diyos sa atin? Bakit kaya matapos nating ipagdasal ang mga minamahal natin na gumaling, wala pa ring nangyayaring mirakulo; na sana makapasa tayo sa board exam natin ngunit bagsak pa rin.
   Iminumungkahi ni Hesus na tayo’y magdasal gaya ng pagdarasal ng babaeng balo na hindi tumigil sa kanyang pagnanais na makamit ang katarungan dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa. Ibinigay ng hukom ang katarungang hinihingi dahil sa pagpupumilit nito.
   Alam ng Diyos kung ano ang nararapat at mabuti para sa atin. Kaya minsan “ OO” ang tugon Niya sa ating panalangin, minsan naman ay “ Hindi” o hindi pa ngayon.  Ang mahalaga lamang ay nananatili tayong tapat sa kanya. (Fr. Maico Rescate)

Comments

Popular posts from this blog

Buhay na pananampalataya

Buhay Kabanalan