Gulong ng palad
Ika-26 linggo ng karaniwang panahon, 26 Set., sanggayong C, LUKE 16 : 19 - 31
Photo courtesy of St. Patrick Catholic Church
“Gulong ng palad” ang turing natin sa kapalaran ng buhay, minsang nasa itaas, minsang nasa ibaba.
Ngunit ang mayamang lalaking napunta sa Hades ay hindi dahil sa gulong ng kanyang palad. Napunta siya roon sapagkat siya’y sakim. Nagpakasasa siya sa kanyang kayamanan at hindi tumulong upang magbigay kahit mumong nahuhulog sa hapagkainan.
Nagdudulot ng kamatayan ang taong gumagawa ng kasalanan. Habang pinipilit niyang mabuhay lalo siyang namamatay. Hindi ito kapalaran kundi epekto o bunga ng masamang gawain ng tao.
Kaya sa lahat ng pagkakataon, gawin natin ang nararapat – ang tunay, ang mabuti, at ang kalugud-lugod sa Diyos. (Fr. Lito Jopson)

Comments
Post a Comment