Alipin
Ika-27 linggo ng karaniwang panahon, 3 Okt. 2010, sanggayong C, LUKE 17 : 5 - 10
Alipin, ito’y ba’y kaya nating tanggapin bilang bahagi ng ating pagkatao?
Si Kristo ang pinakadalikang Alipin ng Ama; dahil sa kanyang pagtalima naligtas ang mundo. Si Maria naman tinuring ang kanyang sarili bilang “alipin ng Panginoon”. Sa dalawang ito nakasalalay ang ating kalayaan bilang mga anak ng Diyos. Kung kailan pa tinanggap ang pagiging alipin, mas lalo pang lumaya ang tao.
Masarap maging alipin dahil pinasasaya ng alipin ang kanyang panginoon. Tayo kaya, pinasasaya ba natin ang Diyos sa ating paglilingkod o tayo ang pinaglilingkuran ng Diyos?
Tinutupad ng alipin ang kahilingan ng kanyang amo. Tinutupad ba natin ang dapat nating gampanin sa mundo – ang ituro at ipangalat ang Mabuting Balita ng kaligtasan? Maging mga mabungang alipin ng Panginoon. (Fr. Lito Jopson)

Comments
Post a Comment