Pag-ibig at pagpapatawad

Di ba ang pagpapatawad ay gawain ng isang nagmamahal? Sa isang pinapatawad, kapag ito’y isang malaking pagkakasala ay nagdudulot ng kaukulang pagtanaw ng utang na loob. Kaya naman, sa mga umiibig nang tapat at sila’y nagsisisi, naroon ang pagbabago.
Magkasama lagi ang pag-ibig at pagpapatawad sa buhay ng isang Kristiyano. Kailangan natin ang mapagpatawad na pag-ibig ng Diyos upang maihango tayo sa kaalipinan ng kasalanan. Totoo, kinalulugdan ng Diyos ang mga makasalanang nagsisi at pinapatawad sila.
Dahil dito’y nadarama natin ang ating kahalagahan bilang mga anak ng Diyos. Halina, tayo’y magsisi tulad ng makasalanang babae na nagsisi at tumanggap ng pagpapatawad, na siyang dahilan upang siya’y magmahal nang labis. (Fr. Dingdong Penolio)
galing ni fater ah...
ReplyDelete