Ika-29 linggo ng karaniwang panahon, 17 Okt. 2010, sanggayong C, LUKE 18:1-8 Huwag tayong tumigil sa panalangin. Minsan, alam natin na pinapakinggan ng Diyos ang mga panalangin natin. Ngunit kadalasan, naiisip din natin na tila natutulog Siya at hindi sinasagot ang mga dasal natin. Nakikinig ba talaga ang Diyos sa atin? Bakit kaya matapos nating ipagdasal ang mga minamahal natin na gumaling, wala pa ring nangyayaring mirakulo; na sana makapasa tayo sa board exam natin ngunit bagsak pa rin. Iminumungkahi ni Hesus na tayo’y magdasal gaya ng pagdarasal ng babaeng balo na hindi tumigil sa kanyang pagnanais na makamit ang katarungan dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa. Ibinigay ng hukom ang katarungang hinihingi dahil sa pagpupumilit nito. Alam ng Diyos kung ano ang nararapat at mabuti para sa atin. Kaya minsan “ OO” ang tugon Niya sa ating panalangin, minsan naman ay “ Hindi” o hindi pa ngayon. Ang mahalaga lamang ay nananatili tayong tapat sa kanya. (Fr. Maico Rescate)
Ika-5 Linggo ng karaniwang panahon MATEO 5:13-16 Kung matutupad lamang natin ang mga nakasaad sa mga pagbasa, walang maghihirap sa ating kapwa. Ngunit bakit hindi natutupad ito? Ang sanhi ay nasa kawalan ng kalidad ng pagsasabuhay ng ating pananampalataya. Saad ni Santiago, “Ang pananampalatayang walang gawa ay patay.” (Santiago 2: 17) Kung ang pananaw natin sa pananampalataya ay pagbabasbas lamang at hindi lumalabas sa apat na sulok ng simbahan, at kung tayo’y nananalangin ngunit wala naman tayong ginagawa, walang saysay ang pananampalataya natin. Sa ebanghelyo, hinanamon tayo ni Hesus na maging asin ng lupa at liwanag ng mundo. Magagawa lamang natin ito kung tayo’y puspos ng Espiritu Santo, may matibay na pananampalataya na nakikita sa ating mga salita at gawa sa ikababago ng buhay natin at ng ating kapwa. Ang pananampalataya’y natututunan, isinasabuhay, at nakapagbubuo ng komunidad. Iyan ang mensahe ng mga Obispo ng Pilipinas sa Taon ng mga Laiko noong 2014, “Calle
Ika -22 ng linggo ng karaniwang panahon, sanggayong C, ebanghelyo: Luke 14:1,7-14 Larawan ay sa kagandahang loob ng canonglenn Nakakapabibigay ang Panginoon ng mga salitang kabalintunaan na may matitinding mensahe ukol sa ating buhay. Halimbawa, sinabi ng Panginoon, "Kung sino man ang magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, ngunit kung sino ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito." Ang ikalawa'y nasa ebanghelyo natin ngayon, "Ang nagpapakataas ay ibaba, samantalang ang mga nagpapakababa ay itataas." Bakit gumagawa ang Panginoon ng ganitong mga pangungusap? Ang sagot ay sapagkat tunay ang mga ito. Mas mainam ang puso ng isang mapagpakumbaba kaysa sa isang mapagmalaki. Sa isang mapagpakumbaba, ang Diyos ang kanyang itinataas. Katulad ni Pablo nang kanyang sinabi, "Hindi ako ang namumuhay sa akin kundi ang Diyos ang namumuhay sa akin." Sa isang mapagpakumbaba, ang pinahahalagahan niya ay ang kanyang
Comments
Post a Comment