Si Hesus bilang Tagapagligtas

Huwebes sa ika-3 linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Ebanghelyo: John 6:44-51 Si Felipe ay nagturo ukol kay Hesus sa isang Eunuko. Dahil dito'y nagpabinyag and eunuko sa ngalan ni Hesus. Ano'ng ibig sabihin ng pagkakatanggap kay Hesus? May naririnig tayo, "Tinatanggap mo ba si Hesus bilang iyong 'personal Lord and Savior'?" Para sa isang tumatanggap nito, ano ang implikasyon nito sa kanyang buhay? Sa ating mga Katoliko, hindi man tayo mulat noong tayo'y nabininyagan, ngunit nang tayo'y kinumpilan, tinanggap natin si Hesus bilang ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng ating personal na pangako. Ano ang ibig sabihin nito sa atin? Magbibigay-linaw ang ebanghelyo sa pagkakatanggap natin kay Hesus: Una, siya ang daan patungo sa Ama. Sinaad sa ebanghelyo ni Juan, "Tuturuan sila ng Diyos... walang makapupunta sa akin kung hindi ito dinala sa akin ng Ama." Mahigpit ang kaugnayang ito na ang daan sa Diyos ay sa pamamagitan ni Kristo. Kung noo...