Ika-2 linggo ng Kwaresma, C

Pakinggan ninyo Siya

Para sa ika-24 ng Pebrero, sanggayong panahon C, 

Lk. 9, 28 - 36


“Ang totoo’y di niya nalalaman ang kanyang sinasabi.” Ito ang pagkalarawan ni San Lukas kay Pedro matapos masaksihan ang pagbabagong anyo ni Hesus.  Pero hindi siya hinayaan ng Ama na magpatuloy sa kanyang nakakalitong kalagayan. Binigyan siya ng direksyon sa kanyang buhay sa pamamagitan ng mga katagang “Ito ang aking Anak, ang aking pinili. Pakinggan ninyo siya!”
   Marami rin sa atin ang litung-lito dala ng mabilis na pagbabago sa ating paligid.  Ang mga iba’t ibang pananaw ay madalas pang taliwas sa pananampalataya. Pero pinaalalahan tayo ng ebanghelyo ito na may makapagbibigay ng tamang direksyon sa ating buhay.  Kadalasan, hindi natin napipili ang Diyos sapagkat mali ang napipili natin.  Ngunit may pinili ang Diyos Ama dahil may mas lubos na nagmamahal sa atin kaysa sa pagmamahal natin sa ating sarili.  Siya ay walang iba kundi si Hesus, “Pakinggan ninyo Siya.”  (Fr. Alex Pelayo)

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba