Bautismo ng Panginoon

 Sumisid sa dagat ng Diyos

 Para sa ika-13 ng Enero 2013, sanggayong panahon C, Lk. 3: 15 - 16, 21 - 22


Ayon sa turo ng Simbahang Katoliko, ang binyag ay orihinal na nanggaling sa salitang Griyegong “baptizein” na ibig sabihi’y sumisid o ilubog.  Ang ilubog ang isang tao sa tubig ng binyag ay nangangahulugan ng pagmatay sa pisikal na buhay upang siya’y magkaroon ng bagong buhay kay Kristo.
    Kung 80% ng mga tao ay nabinyagang Katoliko, nararanasan ba nila ang bagong buhay kay Kristo?  Paano ba natin mapapangalagaan ang mga biyayang dulot ng binyag?
    Una, dahil alam na natin na niligtas tayo ni Kristo, wag na po tayong manatili sa dilim.  Ikalawa, kailangan nating palakasin at hubugin ang pananampalatayang natanggap natin noong tayo’y bininyagan.  Ikatlo, dahil tayo ngayon ay nakasisid sa dagat ng karanasang pantao, dapat hindi tayo maghawaan sa paggawa ng kasalanan kundi sa paggawa ng kabutihan.  Sa pamamagitan ng binyag tayo’y nagiging isang pamilya, isang Simbahang sinasalamin ang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo.  Maghari nawa ang pagmamahalan sa taglay natin bilang pamilya ng Panginoon.  (Fr. Lito Jopson)

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba