Ika-11 linggo ng karaniwang panahon

Ang namumunga


Sanggayong B, ika-17 ng Hunyo, 2012, Mk. 4, 26 - 34

Nais ng Panginoon na mamunga tayo sa mundong ito.  Ngunit ano ba ang batayan ng pamumunga?  Pagiging mayaman ba, makapangyarihan, o nakaangat sa iba?
   Sa ikalawang pagbasa, sinasabi ni San Pablo sa Corinto, “Ang pinakananais ko ay maging kalugud-lugod sa kanya, sa tahanang ito o doon man sa langit.”  Dito nagsisimula ang tunay na pamumunga ng buhay – ang hangarin ang Diyos lamang at pasayahin Siya.   Sinabi pa ni San Pablo, “Namumuhay ako ayon sa pananalig sa Diyos, hindi sa mga bagay na nakikita.”
   Sa ebanghelyo, ang talinhaga ng paglago ng isang inihasik na binhi ay nagpapatukoy sa Diyos na nag-aalaga sa ating lahat.  Siya yaong hindi natin nakikita ngunit nagsasanhi upang ang binhi ay maging isang malaking puno na mapakikinabangan ng mga ibon at tao.
   Ang taong malapit sa Panginoon ay mamumunga ng limpak-limpak na kabutihang nanggagaling sa Diyos na mapakikinabangan ng mga anak at mga sumusunod na henerasyon.  Ano pang inaantay natin?  Paglingkuran natin ang Panginoon ngayon din!  (Fr. Lito Jopson)

Comments

  1. lumago ang pag-ibig na hinasik sa aking puso nang Diyos sa pamamagitan nang paglilingkod ko sa aming parokya San Ildefonso de Toledo,dumadalo ako nang mga seminar gaya ng bbs1n2,prex,LMW at ngayon kasama ako sa pagpapahayag ng mga salita ng Diyos sa bara-baranggay sa Tanay.nakapagtatanim ako ng butil ng pananampalataya,kabutihan,kababaan loob sa mga puso ng ating kapuwa.nadarama ko dito ang kapayapaan.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba