Tinig ng Diyos

ika-2 linggo ng Adbiyento, sanggayong C, Lukas 2: 1 - 6


Sa panahon ngayon, marami ang nagsasalita ngunit ilan lamang sa kanila ang nagsasabi ng katotohanan. Ngayong panahon ng mass media, gagawin ng mga tao ang lahat upang pukawin ang atensyon ng tao upang bilhin ang kanilang produkto, kahit magsalita ito ng kasinungalingan. Ngayong panahon ng Internet at kung anu-ano pang instrumento ng mass media, lahat ng mga maaaring paniwalaan ay paniniwalaan. Ngunit iisa lang ang patutunguhan ng ganitong mga tinig – kamatayan.

Ang tinig na nanggagaling sa Diyos, kahit iisang tao lamang ang nagsasalita ay sapat na upang baguhin ang mundo. Ang salita ay dapat batay sa katotohanan; sapagkat pinalalaya tayo ng katotohanan; lalo na kung ang katotohanan ay nanggagaling sa Diyos.

Ang tinig ng katotohanan ay parang isang ilaw na nagsisilbing liwanag sa madilim na landas ng buhay. Pakinggan natin ang tinig na ito na nagmumula sa Diyos upang tayo’y lumaya.

Ang tinig ng katotohanan ay dapat magdala sa atin sa pag-asa na sisikat ang araw sa ating buhay, manatili lamang tapat sa Diyos. Wag ipagbili ang sarili sa kasalanan. Ang pangako ng pag-asa ay mapapasaatin.

Ikatlo, ang tinig ay salitang nagkatawang tao – si Kristo. Nawa’y magkatawang-tao rin ang tinig ng Diyos sa pamamagitan natin; na tayo ang buhay na tinig ng Diyos na umaakay sa ating kapwa patungo sa kalayaan, kapayapaan, at buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba