Pagkagunaw ng mundo

Unang linggo ng adbiento
siglo C, Ebanghelyo: Lk. 21: 25 - 28, 34 - 36


Hindi kaya katataka-taka na sa paghahanda natin para sa Paskong darating, ang ebanghelyong pinagninilayan ay ukol sa pagkagunaw ng mundo? Kung ang pinakaabangang Pasko ay puno ng saya, pagkain, at regalo, ang ebanghelyo'y tungkol sa takot at pagkahimatay.

Ngunit tama nga naman ang damdamin ng ebanghelyo - takot, takot dahil sa kaguluhan; takot dahil di natin makakayanan ang kasiraang darating; ngunit higit sa lahat - takot dahil di natin inaasahan ang pagdating ng Panginoon sa ating buhay.

Mungkahi sa ating itaas ang ating mga mukha kapag dumating ang araw na yaon dahil "malapit na ang kaligtasan..." Ang kaligtasan ay darating ngayong Pasko - hindi regalo, bagong damit at pagkain, hindi Christmas card o bonus. Ang darating ay ang Panginoon sa ating buhay, ang Panginoong may kapangyarihan sa langit at lupa. Ang pagdating Niya ang dapat nating paghandaan at hindi ang ibang mga bagay na madaling mawasak. Ang paghahari Niya sa buhay natin at ang lahat ng mabubuting gawa na mamumunga ang dapat nating asamin. Ang panahon na lahat ng tao'y sinasabuhay ang Kanyang kalooban at lahat ng tao'y natutulungan ay karanasan ng tunay na Pasko. Ito ang paghandaan natin!

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba