Buhay-kabanalan

Ang pinagmumulan ng kasalanan ay kung inihihiwalay ng tao ang kanyang kabanalan sa Diyos sapagkat siya'y tao lamang.  Ito'y maling paniniwala sapagkat taong lahat ay nilikha ng Diyos ayon sa Kanyang wangis.  Nararapat lamang na umasa ang Diyos na tayo'y magiging banal tulad niyang ganap sa kabanalan.

Pinalalim ito ni Kristo sa pagsasabuhay ng isang bagong batas na mashigit pa sa mga kinamulatang pagsunod nito.  Hindi lamang sa huwag gawan ng masama ang kapwa, nais niya na pagwagian ang karahasan sa kapwa sa pamamagitan ng pagpapatawad at pag-ibig.  Mariin niyang binanggit na hindi lamang ang mga kaibig-ibig ang mahalin kundi pati na rin mga kaaway at ang mga nagpapahirap sa atin.  At ikatlo, nais niyang maging higit pa sa ginagawa nating paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal natin sa ating kapwa ng walang inaantay na kapalit. 

Utang natin ang lahat ng ito sa Diyos na unang nagpatawad at nagbigay ng buhay sa atin.  At kung siya'y banal, nararapat lamang na ang lahat ng Kanyang mga anak ay ganoon din.

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba