Posts
Showing posts from April, 2020
Sangpuso
- Get link
- X
- Other Apps

Salubong Lukas 11: 27 - 28 Naalala natin ang sigla ng mga Pilipino kapag nakikitang naghaharapan na ang mga imahen ng Mahal na Birhen at ang Muling Nabuhay na Kristo. Natutuwa tayo kapag ibinababa na yung munting anghel upang tanggalin ang taklob na belo sa mga mata ni Ina. Tapos ang kanyang mukhang malungkot at napalitan ng tuwa. Ang kanyang Anak ay muling nabuhay! Bakit malapit sa atin ang mga larawang ito? Marahil, nagugunita rin natin na kapag tayong mga anak ay nawalay sa ating mga nanay, pagbalik natin ay hindi maipinta ang ngiti ni Ina sa pagkakita sa atin. Ang yakap natin kay Ina ay kasing-init ng pag-akap niya sa atin noong tayo'y mga sanggol pa. Ito palagay ko ang mensahe ng Salubong: pinakikita rito ang mahigpit ng pagkakaugnay ng nanay sa kanyang Anak, at ang Anak sa kanyang Ina sa isang pakikipag-ugnayang hindi na magmamaliw kailanman - ganap, ganap sa kalinisan at pag-ibig. Isipin din natin ang pagsalubong ni Hesus sa ating buhay, tayong nab...