Sundan si Kristo

ika-13 linggo ng Pangkaraniwang panahon, sanggayong C, Ebanghelyo: Lukas 9: 51 - 62 Walang ibang makapagbibigay ng kasiyahan maliban sa isang buhay na nakatalagang sumunod sa kalooban ng Diyos. Maihahambing natin buhay natin sa isang higad mahilig kumain ng mga dahon at nakapipinsala sa mga pananim; ngunit kung buuin na nito ang kayang bahay ay nagsisimula na siyang maging isang magandang paru-paro. Kung ang hahangarin lamang natin ay ang kasiyahan natin, maaaring hindi na natin matatagpuan ang ating sarili. Ngunit kung papasukin natin ang proseso ng pagkamatay ng ating sarili at pagsunod kay Kristo, tiyak na matatagpuan natin ang ating mga sarili at ang tunay nating kaligayahan. Kung sundin natin ang ating sariling hilig, malamang hindi tayo mamumunga tulad ng bayang Samaritano na ayaw papasukin si Kristo. Ngunit kung susundan natin si Kristo, makakamit natin ang tunay na buhay. Nawa'y mapasaimbabaw natin ang mga balakid buhay tungo sa tunay nating pagsuno...