Ika-8 linggo ng Karaniwang Panahon, A
Huwag mag-alala Matt. 6, 24 - 34 “Pagsumikapan ninyo ng higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay ng ayon sa kanyang kalooban at ipagkaloob Niya lahat ng kailangan ninyo.” Hinihimok tayo ng Panginoong Hesus na huwag tayong masyadong mag-alala. Kung tayo lamang ay manalig sa Kanya, lahat ay ibibigay Niya. Kaya kailangang maging ganap ang ating pananampalataya sa Kanya. Siya ang Diyos na lumikha sa atin. Manalig tayong tutulungan niya tayo upang magkaroon ng buhay. Sabi Niya, “Masdan ninyo ang mga ibon, hindi sila naghahasik ni nag-aani… pinakakain sila ng Amang nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?” Ang masyadong pag-alala ay hindi nakakatulong sa atin. Ito’y nakapagpapahina ng loob at tayo’y nagkakasakit. Nakapaghihina din ito ng pananampalataya at nawawala tayo ng pokus sa pagsunod natin sa kalooban ng Diyos. Bilang Kristiyano tinawag ang bawat isa ng Diyos Ama sa kani-kanyang pangalan. ...