Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San Juan Bautista
Ang misyong dalhin si Kristo sa iba Ika-24 ng Hunyo 2012, Lk. 1: 57 - 66. 80 Anong kahalagahan ng Dakilang Kapistahan ng kapanganakan ni Juan Bautista? Sa lahat ng mga pinagdiriwang natin kapistahan ng mga banal, tatlong lamang ang ipinagdiriwang natin mula sa kanilang kapanganakan – ang mahal na Birheng Maria, ang Panginoong Hesuskristo, at si Juan Bautista. Tinaguriang huli sa mga magigiting ng personalidad ng Lumang Lipan, si Juan ang huling propetang magdadala sa ating sa Bagong Tipan ng ating Panginoong Hesukristo. Noon pa lamang ay nakaukit na sa kanyang tadhana ang kanyang misyon, pagkatao, at papel sa kasaysayan ng kaligtasan. Isang karangalan sa kanya ang maging tagapagpahayag ng pagdating ng Mesiyas at ito’y banaag sa kanyang buong buhay. Tuwing iisipin natin si Juan Bautista, nakikita natin ang magpamahal na kamay ng Diyos na nagliligtas sa atin. Ang bawat isa sa atin ay may itinakdang misyon sa mundong ito. Mi...