Dakilang Kapistahan ng Banal na Isantatlo
Iisang Diyos sa Tatlong Persona Dakilang Kapistahan ng Banal na Isantatlo, sanggayong B, Ika-3 ng Junyo 2012, Mt. 28, 16 - 20 Sa Deuteronomio, nakikita natin ang kapangyarihan ng Diyos bilang tagapaglikha ng langit at lupa at tinatawag tayong lahat na sundin ang kanyang mga utos upang ang umunlad ang ating buhay at gayun din ng ating mga anak, sapagkat pagpapalain tayo ng Panginoon. Sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma, “Kung sino ang kinasihan ng Espiritu ay anak ng Diyos.” Sa pamamagitan nito, tinatawag natin ang Diyos bilang “Abba” o “Ama.” Sa Mabuting Balita ayon kay Mateo, binigay kay Hesukristo ang lahat ng kapangyarihan at inaatasan tayong ipangalat natin ang Mabuting Balita at gawing disipulo ang lahat ng mga bansa. Nababanaag sa buong bibliya ang pagka-Diyos ng Panginoon – iisang Diyos sa tatlong Persona, magkatulad sa karangalan, ngunit may katangi-tanging Pagka-Diyos. Ang Ama ang lumikha at patuloy na lumilikh...