Pagbabahaginan

ika-18 linggo ng karaniwang panahon, sanggayong C pagbasa: Lukas 12: 13 - 21 Sa simula pa kung papansinin ang ginawa ng magsasaka, mali na kaagad ang kanyang desisyon. Bakit siya magpapagawa ng masmalaking kamalig at itatambak doon ang ani? Kakainin ba niya lahat yon? E paano kung magkabukbok? Paano kung huminto na ang tibok ng kanyang puso? Ngunit tila may pinatatamaan ang Panginoon sa kwentong ito, isang pananaw o orientasyon ng pagkimkim, na bandang huli'y nakamamatay, hindi nakabubuhay. Sa taong kimkim ng kimkim, hindi ito kuntento sa buhay. Sa paghangad niyang siya at ang kanyang pamilya'y mabuhay, pinagkakait niya ang kanyang kapwa ng buhay sa katatago nito ng kanyang kayamanan. Wala siyang oras sa pagtulong sa kapwa. Wala siyang binibigay na atensyon. Ang taong ito'y baog. Dinadala niya ang mga tao sa kamatayan kasama niya. Kaya ano ang kalooban ng Diyos? Naaalala ko ang simpleng panalangin, "Ama namin." Sinasabi, "Bigyan ...