Ang kapangyarihan ng Diyos

Ikaapat ng linggo ng karaniwang panahon, sanggayong panahon C, Ebanghelyo: Lk. 4: 21-30 Gaano tayo bilib sa Diyos? Alam ba natin ang tunay Niyang kapangyarihan? Kung alam lamang natin ang tunay na kapangyarihan ng Diyos, sana'y noon pa tayo mas nakikinig sa Kanya at tumatalima sa Kanya. Wala sa kalingkingan ng Diyos ang pinakaaabalahan natin sa ating buhay. Ang kapangyarihan ng Diyos ay nagbibigay ng kaayusan sa daigdig. Siya rin ang nagtutuwid ng ating buhay. Patuloy ang kanyang paglilikha kung kaya't nagiging maayos ang ating buhay. Ang kapangyarihan ng Diyos ay puno ng pag-ibig. Kailanman hindi ito sakim ni ganid, tulad ng paggamit natin ng ating kapangyarihan. Binubuksan ng Panginoon ang ating mga puso upang maging instrumento tayo sa pagtulong sa ating kapwa, lalo na ng mga naghihirap. Ang kapangyarihan ng Diyos ay nakapagliligtas. Ginagamit ng Panginoon ang kanyang kapangyarihan upang makaabot tayo sa ating tunay na patutunguhan - kaligtasan sa langit. Nawa'y...