Ang bokasyon ng pamilya

Kapistahan ng Banal na Pamilya Siglo C Pagbasa: Lk. 2: 41 - 52 Ang nakatitig sa batang si Hesus ay hindi lamang mga pastol, mga hayup, at si Maria't Jose kundi ang milyung milyong mga pamilya nagninilay sa belen. Ang bawat pamilyang ito'y nananalanging pagpalain ang kanilang pamilya gaya ng banal na pamilya. Nawa'y matularan natin ang banal na mag-anak sa pagkakataong ito. Nawa'y tularan ng bawat ama si San Jose bilang modelo ng mga ama - responsable, banal, at tapat. Ang bawat ama'y naglalarawan ng pagiging Ama ng Diyos na nagbibigay ng kaloob sa kanyang mga anak. Ang pagkakaloob ay hindi lamang tungkol sa pera o pagkain, tahanan o edukasyon kundi sa moral at spiritual na paghubog ng mga anak. Ang mga ina nama'y tumingala kay Maria bilang modelo ng mga ina - mapagkumbaba, tapat at masunurin, at puspos ng biyaya. Ang kanyang pagiging ina ay kanyang tanging alay sa Diyos na kung kanino siya'y "alipin." Ang bawat bata'y dapat ilarawan si Hes...