Pagkagunaw ng mundo

Unang linggo ng adbiento siglo C, Ebanghelyo: Lk. 21: 25 - 28, 34 - 36 Hindi kaya katataka-taka na sa paghahanda natin para sa Paskong darating, ang ebanghelyong pinagninilayan ay ukol sa pagkagunaw ng mundo? Kung ang pinakaabangang Pasko ay puno ng saya, pagkain, at regalo, ang ebanghelyo'y tungkol sa takot at pagkahimatay. Ngunit tama nga naman ang damdamin ng ebanghelyo - takot, takot dahil sa kaguluhan; takot dahil di natin makakayanan ang kasiraang darating; ngunit higit sa lahat - takot dahil di natin inaasahan ang pagdating ng Panginoon sa ating buhay. Mungkahi sa ating itaas ang ating mga mukha kapag dumating ang araw na yaon dahil "malapit na ang kaligtasan..." Ang kaligtasan ay darating ngayong Pasko - hindi regalo, bagong damit at pagkain, hindi Christmas card o bonus. Ang darating ay ang Panginoon sa ating buhay, ang Panginoong may kapangyarihan sa langit at lupa. Ang pagdating Niya ang dapat nating paghandaan at hindi ang ibang mga bagay na madaling mawa...