Posts

Showing posts from 2014

Ikalawang linggo ng Kwaresma, A

Nakikita mo ba ang Diyos?  Matt. 17, 1 - 9 Nakikita ba natin ang mukha ng Diyos, ang kanyang karingalan at kabutihan?    Nakalulungkot mang isipin, ngunit marami tayong mga pagkakataon na sana’y napaglingkuran natin ang Diyos, ngunit inuna natin ang pagliligtas sa ating buhay.  Inuna rin natin ang ating karangyaan at kaginhawaan.    Ngunit sadyang may kabayaran ang ating kapabayaan.  Habang ubos ang ating oras sa pagliligtas sa ating sarili, nagiging salat naman tayo sa presensya ng Diyos.  Hindi makita sa ating kapaligiran ang karingalan ng Diyos bagkus ay hirap, kasakiman at pag-aapi.    Sa pagninilay natin sa pagbabagong anyo ng Panginoon, nawa’y pahalagahan natin ang paglilingkod sa kanya sa ating pang-araw-araw na buhay.  Kahit na animo’y mga normal na pangyayari lamang, paanyaya sa atin na hanapin ang tunay na kapangyarihan ni

Unang linggo ng Kwaresma, A

Puksain ang tukso Matt. 4, 1 - 11 Kung paano napagwagian ni Kristo ang kanyang mga pagsubok, tinatawag din tayo na pagwagian din natin ang mga tukso ng buhay natin.  Hindi lamang dahil si Kristo ay Diyos kaya napagwagian niya ito.  Tulad natin, nagugutom din siya.  Ngunit anong tanging lakas ang maaari nating tuluran kay Kristo upang mapagwagian din natin ang mga pagsubok ng ating buhay?    Una, ang Diyos ang kanyang pagkain.  Ang kanyang salita ang nagbibigay-buhay.  Kung lahat ng tao’y taglay ang Salita ng Diyos, magkakaroon ng pagkain ang lahat ng tao.    Ikalawa, ang Diyos tanging pinaglilikuran ni Kristo; ang Ama ang kanyang lakas.  Kung ang lakas ng tao ay Diyos at wala nang iba, ang kanyang pananampalataya’y magiging gawang namumunga ng kabutihan.    Ikatlo, ang Diyos lamang ang kanyang tanging yaman.  Kung lahat ng mga tao ay yuyuko at paglilingkuran ang Diyos, magiging mga mabubuting tagapamahala tayo ng kalikasang nilikha niya para sa ikabubuhay ng lahat.

Ika-8 linggo ng Karaniwang Panahon, A

Huwag mag-alala Matt. 6, 24 - 34 “Pagsumikapan ninyo ng higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay ng ayon sa kanyang kalooban at ipagkaloob Niya lahat ng kailangan ninyo.” Hinihimok tayo ng Panginoong Hesus na huwag tayong masyadong mag-alala. Kung tayo lamang ay manalig sa Kanya, lahat ay ibibigay Niya.  Kaya kailangang maging ganap ang ating pananampalataya sa Kanya.  Siya ang Diyos na lumikha sa atin.  Manalig tayong tutulungan niya tayo upang magkaroon ng buhay.  Sabi Niya, “Masdan ninyo  ang mga ibon, hindi sila naghahasik ni nag-aani… pinakakain sila ng Amang nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?”    Ang masyadong pag-alala ay hindi nakakatulong sa atin. Ito’y nakapagpapahina ng loob at tayo’y nagkakasakit.  Nakapaghihina din ito ng pananampalataya at nawawala tayo ng pokus sa pagsunod natin sa kalooban ng Diyos.  Bilang Kristiyano tinawag ang bawat isa ng Diyos Ama sa kani-kanyang pangalan. Paano natin di pagkatiwalaan ang pagmamahal

Ika-5 linggo sa karaniwang panahon, A

Ilaw at asin Mateo 5:13-16 Kung magagawa lamang natin ang mga nakasaad sa mga pagbasa, walang maghihirap sa ating kapaligiran.  Ngunit bakit hindi natutupad ito?  Ang suliranin ay nasa kalidad ng ating pananampalataya. Saad ni Santiago, "Ang pananampalatayang walang gawa ay patay."  Kung ang pananaw natin sa pananampalataya ay pagbabasbas lamang ng Diyos na wala naman tayong ginagawa, walang saysay ang pananampalataya. Ang pananampalataya'y natutunan, isinasabuhay, at nakapagbubuo ng komunidad.  Iyan ang mensahe ng mga Obispo sa Taon ng mga Laiko, "Called to be saints; sent forth as heroes". Ang ibig sabihin ng pananampalatayang natutunan ay hanapin ang kaugnayan nito sa konkretong buhay, simula sa 10 utos ng Diyos. "Isabuhay ang pananampalataya" ay nangangahulugang may kinalaman ito sa kaliit-liitang desisyon at galaw sa ating buhay. "Magtatag ng mga komunidad ng mga mananampalataya" ay nangangahulugang magbuo tayo ng mga komu