Posts

Showing posts from April, 2013

ika-5 linggo ng panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, C

Huwaran sa Pagmamahal Para sa ika-28 ng Abril,  Gospel: Jn. 13, 31 - 33. 34 - 35 “This is what I do. And I do it with my heart. I do this with my heart because it is my duty, as a priest and bishop I must be at your service. But it is a duty that comes from my heart and a duty I love. I love doing it because this is what the Lord has taught me.”    Ito ang bahagi ng homilia ni Pope Francis sa Misa ng Huling Hapunan bago niya hinugasan ang mga paa ng mga batang bilanggo at may kasama pa na isang babaing Muslim. Tunay lamang na ang ating bagong Santo Papa ay nagsasabuhay ng ayon sa bilin ng ating Panginoong Hesus sa Ebanghelyo na magmahalan gaya ng kanyang pagmamahal.    Ito rin ay hamon sa atin na magmahal ng gaya ng pagmamahal ng Panginoong Hesus at hindi lamang ayon sa ating pansariling kagustuhan o batayan lamang.  (Fr.   Alex Pelayo)

ika-4 linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay

Mga niligtas ng Panginoon para sa ika-21 ng Abril 2013, sanggayong panahon C, Jn. 10, 27 - 30 Inaanyayahan tayo ng mga pagbasa na maging mulat lalo na sa mga espiritual na bagay, lalo na yaong may kinalaman sa katapusan ng ating buhay.   Mula sa Pahayag, matatanaw ang di mabilang na mga taong may puting kasuotan at hawak-hawak ang palaspas para sa Panginoon; kasama kaya tayo sa lupong iyon ng mga naligtas?     Ikalawa, nilinis ang kanilang mga kasuotan sa pamamagitan ng dugo ng Kordero.  Hinayaan ba nating linisin ng Panginoon ang ating mga kaluluwa sa pamamagitan ng kanyang pagpapakasakit at kamatayan sa krus?   Ikatlo, hindi na sila magugutom dahil dadalhin sila ng Mabuting Pastol sa pook na may bukal ng buhay na tubig.  Tinatanggap ba natin na tanging si Kristo lamang ang bumumuhay sa atin at sa ating pamilya? Handa rin ba tayong maging pastol para sa mga nagugutom na kawan ng Panginoon?   Bigyan natin ng pagkakataon ang sarili na alagaan ng Mabuting Pastol.  (Fr. Lito Jopson)

ika-3 linggo ng Panahon ng Muling Pagkabuhay

Pananampalataya, ipakita sa gawa Para sa ika-14 ng Abril 2013, sanggayong panahon C, Jn. 21, 1 - 19 Inaanyayahan tayo ng Ebanghelyo na palalimin natin ang ating pananampalataya.  Ang pagiging luma nating Katoliko ang pumapatay sa pananampalataya ng ating mga anak at ng mga sumusunod na henerasyon.  Halimbawa, ang pagiging Katoliko ay hindi lang dahil sa pinanganak tayong Katoliko kundi ang pinakadiwa nito’y ang pagkakaugat natin kay Kristo.  Ikalawa, huwag po tayong maging “Sunday Catholics” lamang.  Ang saklaw ng pagka-Katoliko natin ay ang buong buhay natin at lahat ng umiiral sa ating mundo.   At ang pinakamalungkot sa lahat ay ang “split-level Catholics”, na ibig sabihin, Katoliko pa rin ang turing habang nagpapatuloy ang makasalanang pamumuhay na tila walang pagkakamaling ginagawa.  Paanyaya ni Kristo na maging Katoliko tayo sa isip, sa salita, at sa gawa.  Tularan natin ang atas ng Panginoon kay Pedro bilang tanda ng isang buhay na pananampalataya, “Pakanin mo ang aking kawan

Ikalawang linggo ng Muling Pagkabuhay, C

Kapayapaan! para sa ika-6 ng Abril, sanggayong panahon C Jn. 20, 19 - 31 Inulit-ulit ni Hesus ang isang salitang sagisag ng kapangyarihan ng muling pagkabuhay: kapayapaan.    Ano ang ibig sabihin ng kapayapaan?  Hindi nito ibig sabihin ang kawalan ng gulo sa paligid.   Hindi matatamo ang kapayapaan dahil may armas na nag-aabang sa harap ng mga tao.  Bagkus, magkakaroon ng kapayapaan kung ang tao’y namumuhay sa daigdig nang may katarungan at kaayusan.  Ikalawa, magkakaroon ng kapayapaan kung hangad natin ang pag-unlad ng buhay ng bawat isa at hindi lamang pansariling buhay.  Hangarin nating mapalaya sila sa anumang pagkaalipin pumapatay sa daigdig na ito. Ikatlo, ang kapayapaan at pananampalataya’y mahigpit na magkaugnay.  Kung ang mga tao’y may pananalig sa Diyos at namumuhay ayon sa kanyang mga turo, sila’y nagiging instrumento ng kapayapaan sa kanilang kapwa, at ang buong mundo’y namumuhay sa kapayapaan ng Diyos at ng bawat isa.     Walang daan sa kapayapaan.  Ang kapayap

Pasko ng Muling Pagkabuhay, C

Nawawalang katawan Para sa ika-31 ng Marso,  Jn. 20: 1-9 Nanampalataya ang mga alagad bagamat di nakita ang katawan ni Kristo.  Pagkapasok ni Pedro sa libingan at sumunod ang alagad na unang dumating, “nakita niya ang mga telang nakatiklop at siya’y naniwala.”  Tumambad din kay Maria Magdalena ang tanawing ito.    Kung sila ay lubos na nalungkot sa pagkamatay ni Hesus sa krus, lalo silang nalungkot sa nawalang katawan ni Hesus.    Ang mga alagad na lubos na nalungkot sa pagkawala ng katawan ni Hesus ay naniwala sa magandang balita na si Hesus ay muling nabuhay.  Ito ang pinakadakilang katotohanan na di nila nalimutan - Si Hesus ay muling nabuhay.    Di man natin nasaksihan ang muling pagkabuhay, tanggapin natin ito sa pananampalataya na si Hesus ay muling nabuhay. Tayo’y magsaya, Siya ang ating kaligtasan.  (Fr.   Maico Rescate)