Pasko ng Muling Pagkabuhay, C

Nawawalang katawan

Para sa ika-31 ng Marso, 

Jn. 20: 1-9

Nanampalataya ang mga alagad bagamat di nakita ang katawan ni Kristo.  Pagkapasok ni Pedro sa libingan at sumunod ang alagad na unang dumating, “nakita niya ang mga telang nakatiklop at siya’y naniwala.”  Tumambad din kay Maria Magdalena ang tanawing ito.
   Kung sila ay lubos na nalungkot sa pagkamatay ni Hesus sa krus, lalo silang nalungkot sa nawalang katawan ni Hesus.
   Ang mga alagad na lubos na nalungkot sa pagkawala ng katawan ni Hesus ay naniwala sa magandang balita na si Hesus ay muling nabuhay.  Ito ang pinakadakilang katotohanan na di nila nalimutan - Si Hesus ay muling nabuhay.
   Di man natin nasaksihan ang muling pagkabuhay, tanggapin natin ito sa pananampalataya na si Hesus ay muling nabuhay. Tayo’y magsaya, Siya ang ating kaligtasan.  (Fr.   Maico Rescate)

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba