Ikalawang linggo ng Muling Pagkabuhay, C

Kapayapaan!

para sa ika-6 ng Abril, sanggayong panahon C

Jn. 20, 19 - 31

Inulit-ulit ni Hesus ang isang salitang sagisag ng kapangyarihan ng muling pagkabuhay: kapayapaan.

   Ano ang ibig sabihin ng kapayapaan?  Hindi nito ibig sabihin ang kawalan ng gulo sa paligid.   Hindi matatamo ang kapayapaan dahil may armas na nag-aabang sa harap ng mga tao.  Bagkus, magkakaroon ng kapayapaan kung ang tao’y namumuhay sa daigdig nang may katarungan at kaayusan. 

Ikalawa, magkakaroon ng kapayapaan kung hangad natin ang pag-unlad ng buhay ng bawat isa at hindi lamang pansariling buhay.  Hangarin nating mapalaya sila sa anumang pagkaalipin pumapatay sa daigdig na ito.

Ikatlo, ang kapayapaan at pananampalataya’y mahigpit na magkaugnay.  Kung ang mga tao’y may pananalig sa Diyos at namumuhay ayon sa kanyang mga turo, sila’y nagiging instrumento ng kapayapaan sa kanilang kapwa, at ang buong mundo’y namumuhay sa kapayapaan ng Diyos at ng bawat isa. 

   Walang daan sa kapayapaan.  Ang kapayapaan mismo ang daan. (Fr. Lito Jopson)

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba