Ikatlong linggo ng Kwaresma, C

Tanda ng pagbabago

para sa ika-3 ng Marso, sanggayong panahon C, Lk. 13, 1 - 9

Mayroong tinatawag na “just-world hypothesis”.  Alam ito ng marami dahil ito ay maipapaliwanag ng kasabihang “Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.”  Ito rin ang paniniwala ng mga taong nagbalita kay Hesus tungkol sa mga taga-Galilea na pinapatay ni Pilato.  Kung may nangyaring sakuna o kamalasan, ito’y dahil nagkasala sila.
   Hindi sang-ayon dito si Hesus.  Sa halip na husgahan nila ang isang pangyayari, nais ni Hesus na anyayahan ang mga taong suriin nila ang kanilang sarili na may pangangailangang lagi ng pagbabago.  Ang pagbabago ay hindi isang pangarap o plano na naiiwan lamang sa isip kundi nauuwi sa gawa o aksyong tigib sa kabutihan upang manaig laban sa kasamaang tulad ng hinahanap na bunga mula sa ubasan.  Ayon nga kay San Pablo, “Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.” (Rom 12,21)  (Fr. Alex Pelayo)

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Buhay na pananampalataya

Maging mapagkumbaba