ika-5 linggo ng Kwaresma, C

“Intimacy”

para sa ika-17 ng Marso 2013,  sanggayong panahon C, Jn. 8, 1 - 11

   Napakagandang tema ang “intimacy” hindi lamang sa pakikipag-ugnayan sa kapwa kundi lalo na sa Diyos.  Dapat nating tanungin sa sarili, “Kakilala ba natin ang Diyos nang higit sa pagkakakilala natin sa ating kapwa?”
   Ang pagkakakilala’y nangangailangan ng tunay na pagkakaisa ng nagmamahal at minamahal; tulad ng Diyos sa ating lahat.  Si Kristo ang sakramento ng Ama.  Handa ba tayong maging buhay na sakramento ni Kristo sa ating kapwa?
   Ang pagkakakilala’y nangangailangan ng walang pasubaling pagpapatawad na humihilom ng pakikipag-ugnayan; tulad ng pagpapatawad ng Diyos sa atin.  Panghuli, tinatalaga na maging kalarawan ng minamahal ang namamahal sa kanya; tulad ni Kristo na siyang naging Daan, Katotohan, at Buhay tungo sa Ama.  Palalimin natin ang pagkakakilala natin sa Diyos.   (Fr. Lito Jopson)

Comments

Popular posts from this blog

Manalangin lagi, huwag manghinawa

Maging mapagkumbaba

Buhay na pananampalataya